6 Jesus said to him, “I am the way, and the truth, and the life. No one comes to the Father except through me.7 If you had known me, you would have known my Father also. From now on you do know him and have seen him.”8 Philip said to him, “Lord, show us the Father, and it is enough for us.”9 Jesus said to him, “Have I been with you so long, and you still do not know me, Philip? Whoever has seen me has seen the Father. How can you say, ‘Show us the Father’?
Luke 1
35 Subalit ang anghel ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo, at dahil dito, ang Banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos.
Luke 2
10 At sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot. Narito, ipinapahayag ko sa inyo ang ebanghelyo ng malaking kagalakan na darating sa lahat ng tao11 sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.
Matthew 1
20 Ngunit habang kaniyang pinag-iisipan ang mga ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip na sinasabi, “Jose na anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa sapagkat ang kaniyang pinagdadalang-tao ay mula sa Banal na Espiritu.21 At siya ay manganganak ng isang lalaki at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”22 At ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na sinasabi,23 “Narito, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki at tatawagin nila ang kaniyang pangalan na Emmanuel,” Isa 7:14 na ang kahulugan ay, “Kasama natin ang Diyos.” Isa 8:8, 10
Matthew 5
17 “Huwag ninyong isipin na ako ay pumarito upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta, ako ay pumarito hindi upang sirain kundi upang tuparin.18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa ang langit at ang lupa ay lilipas, ang isang tuldok o ang isang kudlit ay hinding-hindi lilipas mula sa Kautusan hanggang sa ang lahat ay maganap.