14 Ngunit ang mga bagay ng Espiritu ng Diyos ay hindi tinatanggap ng likas na tao sapagkat ito ay kamangmangan sa kaniya, at hindi niya makakayang malaman ang mga ito dahil sinisiyasat ito sa kaparaanang espirituwal.
2 Peter 1
19 At tinataglay namin ang higit na mapagkakatiwalaang salita ng mga propeta kung saan ay mabuti ang inyong ginagawa, sapagkat sinusunod ninyo ang mga ito katulad ng ilawan na nagliliwanag sa madilim na lugar hanggang sa ang araw ay magbukang liwayway at ang tala ng umaga ay sumikat sa inyong mga puso.20 Dahil ito ang una ninyong nalaman, na ang bawat pahayag sa Kasulatan ay hindi nangyari sa sarili nitong paliwanag21 sapagkat ang pahayag ay hindi dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, ngunit ang mga banal na tao ng Diyos ay nagsalita habang sila ay ginagabayan ng Banal na Espiritu.
Isaiah 66
2 Sapagka't lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay, at sa gayo'y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon: nguni't ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita.