29 sapagkat ang ating Diyos ay isang apoy na tumutupok.Deu 4:24
Psalm 50
3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
Revelation 1
13 at sa gitna ng pitong lalagyan ng ilawan ang katulad sa Anak ng Tao na nakasuot ng kasuotang abot sa paa at nakabigkis ng gintong pamigkis sa bandang mga dibdib.14 Ang kaniyang ulo at ang kaniyang mga buhok ay katulad ng maputing balahibo ng tupa na kasimputi ng niyebe, at ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy.