22 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama niya.
Ecclesiastes 2
13 Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan, na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim.
Isaiah 9
2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.
John 8
12 Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila na sinasabi, “Ako ang ilaw ng sangkatauhan. Siya na sumusunod sa akin ay hinding-hindi lalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.”