1 Mga kapatid ko, huwag maging guro ang marami sa inyo dahil alam natin na tayo ay tatanggap ng lalong higit na kahatulan2 sapagkat tayong lahat ay natitisod sa maraming paraan. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang taong ito ay ganap at kaya rin niyang pigilin ang buong katawan.3 Narito, naglalagay tayo ng bokado sa bibig ng mga kabayo upang sumunod sila sa atin at inililiko natin ang kanilang buong katawan.