18 Walang sinumang makakaagaw nito sa akin subalit iniaalay ko ito mula sa aking sarili. Mayroon akong kapamahalaang ialay ito at mayroon akong kapamahalaang kunin itong muli. Ito ang utos na tinanggap ko mula sa aking Ama.”
John 3
16 sapagkat sa ganitong paraan ay inibig ng Diyos ang sangkatauhan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
John 5
24 “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan at hindi pupunta sa paghatol kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay.