6 Kaya magpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos upang kayo ay kaniyang itaas sa takdang panahon.7 Ilagak ninyo sa kaniya ang lahat ninyong kabalisahan sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.8 Mag-isip kayo ng maayos at magbantay kayo sapagkat ang diyablo na inyong kaaway ay katulad ng leon na umaatungal at umaali-aligid na naghahanap kung sino ang kaniyang malalamon.9 Makipaglaban kayo sa kaniya na may katatatagan ng pananampalataya dahil alam na ninyo na ang gayon ding pagdanas ng mga paghihirap ay nangyayari sa inyong mga kapatid na nasa sanlibutan.