16 Ngayon, ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ang ating Diyos at Ama, na siyang nagmahal sa atin at nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa pamamagitan ng biyaya,17 ang magbigay nawa ng kaaliwan sa inyong mga puso at magpatatag nawa sa inyo sa lahat ng mabuting salita at gawa.
Jeremiah 31
3 Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.
John 3
16 sapagkat sa ganitong paraan ay inibig ng Diyos ang sangkatauhan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Romans 8
31 Ano ngayon ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Yamang ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?