13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang sa masamang araw ay makayanan ninyong tumayo laban sa kaaway, at tumayo pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay.14 Tumayo nga kayo na nabibigkisan ng katotohanan ang inyong mga balakang, at isuot ninyo ang pandibdib na baluti ng katuwiran,15 at isuot ninyo ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan sa inyong mga paa.16 Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang lahat ng mga nag-aapoy na palaso ng masama.17 At tanggapin ninyo ang helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos.18 Sa lahat ninyong panalangin at pagdaing, manalangin kayo sa lahat ng panahon sa pamamagitan ng Espiritu, at sa mismong bagay na ito ay magbantay kayo nang buong tiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal.19 At para sa akin, ipanalangin ninyo na bigyan ako ng salita, na ako ay magkaroon ng lakas ng loob sa pagbukas ko ng aking bibig upang maipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo,
Psalm 34
7 Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila.