13 “Kayo ang asin ng lupa. Ngunit kapag ang asin ay mawalan ng alat, papaano ito mapapaalat? Wala na nga itong kabuluhan kundi itapon sa labas at tapakan ng mga tao.14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi makakayang itago.15 Ang mga tao ay hindi nagsisindi ng ilawan at inilalagay ito sa ilalim ng takalan°, kundi sa lalagyan ng ilawan at ito ay nagliliwanag sa kanilang lahat na nasa bahay.16 Pagliwanagin ninyo sa ganitong paraan ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.