Temppelin puhdistaminen. Jeesus meni temppeliin ja kumosi rahanvaihtajien ja temppelikauppaan osallistuneiden pöydät myymällä uhrieläimiä, kun he olivat muuttaneet pyhän paikan varkaiden luolaksi. Pencil Sketch.
14 Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo.15 Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid, itinaboy niya silang lahat papalabas sa templo, at ang mga tupa at ang mga toro. Ibinuhos niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi at itinumba ang kanilang mga mesa.16 Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.”17 Naalala ng kaniyang mga alagad ang nasusulat, “Nilamon ako ng kasigasigan ng iyong bahay.” Awi 69:9
Luke 19
45 At nang siya ay pumasok sa templo, sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda at namimili roon.46 Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay bahay-dalanginan’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:11
Malachi 3
1 Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.2 Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi:
Mark 11
15 At sila ay dumating sa Jerusalem at pagpasok ni Jesus sa templo, sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda at ang mga namimili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.
Matthew 21
12 At si Jesus ay pumasok sa templo ng Diyos at itinaboy niya ang lahat ng mga nagtitinda at mga namimili sa templo at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.