Tämä kuva osoittaa hetken, jolloin Saulin näkemys palautetaan. Ananias meni taloon, jossa Saul asui. Ananias pani kätensä Sauliin ja kertoi hänelle, että Jeesus oli lähettänyt hänet. Hän haluaa sinun näkevän ja täyttävän Pyhän Hengen.
1 Ngunit si Saulo, na nag-aalab sa pagbabanta at pagpatay sa mga alagad ng Panginoon, ay pumaroon sa pinakapunong saserdote.2 Humiling siya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang kung matagpuan niya ang sinumang mga lalaki at mga babaing kaanib sa Daan, sila ay madala niyang nakagapos patungo sa Jerusalem.3 At sa kaniyang paglalakbay, nang papalapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit.4 Bumagsak siya sa lupa at narinig ang tinig na nagsasabi sa kaniya, “Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan?”5 At sinabi niya, “Sino ka Panginoon?” At sinabi ng Panginoon, “Ako si Jesus na iyong pinagmamalupitan. Mahirap para sa iyo ang tumadyak sa mga pantusok.”6 At habang siya ay nanginginig at namamangha, sinabi niya, “Panginoon, ano ang ninanais mong gawin ko?” Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumindig ka at pumunta ka sa lungsod at sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”7 Ngunit ang mga taong kasama niya sa paglalakbay ay nakatayo na hindi makapagsalita, yamang naririnig nga nila ang tinig ngunit wala silang nakikitang sinuman.8 At pagtayo ni Saulo mula sa lupa, idinilat niya ang kaniyang mga mata ngunit wala siyang makita. Kaya siya ay kanilang inaakay na dinala patungo sa Damasco.9 Tatlong araw siyang hindi nakakakita at hindi siya kumain, ni uminom man.10 Ngunit may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias. Sinabi ng Panginoon sa kaniya sa isang pangitain, “Ananias.” Sinabi niya, “Narito ako, Panginoon.”11 Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumindig ka at pumaroon sa lansangang tinatawag na Tuwid at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isang lalaki na ang pangalan ay Saulo na taga-Tarso. Sapagkat, narito, siya ay nananalangin.12 At nakita niya sa pangitain ang isang lalaki, na ang pangalan ay Ananias, na dumating at nagpatong ng kamay niya sa kaniya upang siya ay makakita.”13 Ngunit sumagot si Ananias, “Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang patungkol sa lalaking ito kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem.14 At sa dakong ito, siya ay may kapahintulutan mula sa mga punong saserdote upang igapos ang lahat ng mga tumatawag sa iyong pangalan.”15 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Pumaroon ka sapagkat siya ay piniling kasangkapan sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harap ng mga Gentil at ng mga hari at ng mga anak ni Israel,16 sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang batahin dahil sa aking pangalan.”17 Kaya umalis si Ananias at pumasok siya sa bahay. At pagkapatong niya ng kaniyang mga kamay kay Saulo ay kaniyang sinabi, “Kapatid na Saulo, isinugo ako ng Panginoong Jesus na siyang nagpakita sa iyo sa daang iyong pinanggalingan upang matanggap mo ang iyong paningin at mapuspos ng Banal na Espiritu.”18 At kaagad nalaglag mula sa kaniyang mga mata ang parang mga kaliskis at kaagad niyang tinanggap ang kaniyang mga paningin. At nang siya ay tumayo, siya ay binawtismuhan.19 At nang siya ay nakakain, siya ay lumakas. At si Saulo ay naging kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang araw.