18 sa lugar kung saan siya ay ipinako nila sa krus, kasama niya ang dalawa pa na nasa magkabilang bahagi at si Jesus ang nasa gitna.
Luke 23
33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa.34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan.
Mark 15
25 Ikatlo na ang oras nang siya ay ipinako nila sa krus.26 At ang nakaukit na nakasulat na paratang sa kaniya ay: ANG HARI NG MGA JUDIO.27 At kasama sa kaniya, ang dalawang tulisan ay kanilang ipinako sa krus, ang isa ay nasa bahaging kanan at ang isa ay nasa bahaging kaliwa niya.28 At naganap ang Kasulatan na nagsasabi, “Siya ay ibinilang sa mga hindi kumikilala sa kautusan.” Isa 53:12
Matthew 27
37 And over his head they put the charge against him, which read, “This is Jesus, the King of the Jews.”38 Then two robbers were crucified with him, one on the right and one on the left.