Palatsin juhlasalissa Herodiasin tytär tanssii Herodes Antipasin edessä syntymäpäivänään. Herodias nähdään salakuljettajana, kun hän suunnittelee mielessään Johannes Kastajan kuolemaa.
17 Dahil mismong si Herodes ang nagsugo at dumakip kay Juan at gumapos sa kaniya sa bilangguan alang-alang kay Herodias, na kaniyang pinakasalan, na asawa ng kaniyang kapatid na si Felipe.18 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, “Hindi ipinahihintulot sa Kautusan na kunin mo ang asawa ng iyong kapatid.”19 Kaya si Herodias ay nagkikimkim ng galit kay Juan at kaniyang hinahangad na siya ay patayin ngunit hindi niya ito makakaya20 sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Dahil nalalaman niyang si Juan ay matuwid at banal na tao kaya siya ay binabantayan niya, at dahil nakinig siya kay Juan, maraming bagay siyang ginagawa at natutuwa siyang nakikinig sa kaniya.21 At pagdating ng pagkakataon, nang si Herodes ay naghanda ng hapunan sa kaniyang kaarawan para sa kaniyang matataas na opisyal, mga pinunong kapitan at mga pangunahing mamamayan ng Galilea,22 nang ang anak na babae ni Herodias ay pumasok at sumayaw, nasiyahan si Herodes at ang mga nakaupong kasama niya sa hapag-kainan. Kaya sinabi ng hari sa dalagita, “Hilingin mo sa akin ang anumang naisin mo at ibibigay ko sa iyo.”23 At nanumpa siya sa dalagita, “Ibibigay ko ang anumang hilingin mo kahit kalahati ng aking kaharian.”24 Kaya nang lumabas ang dalagita, tinanong niya ang kaniyang ina, “Ano ang hihilingin ko?” At sinabi ng ina, “Ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo.”25 At kaagad pumasok na may pagmamadali ang dalagita sa kinaroroonan ng hari at humiling na nagsasabi, “Ibig kong maibigay mo kaagad sa akin ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo na nakalagay sa bandehado.”26 Kaya ang hari ay lubhang nagdalamhati, ngunit dahil sa kaniyang mga pinanumpaang pangako at sa mga panauhin, siya ay hindi niya matanggihan.27 At isinugo kaagad ng hari ang kaniyang pansariling tagapugot at inutusan na dalhin sa kaniya ang ulo ni Juan. Kaya pagkaalis niya, pinugutan niya ng ulo si Juan doon sa bilangguan28 at dinala ang kaniyang ulo na nasa bandehado at ibinigay ito sa dalagita at ibinigay naman ito ng dalagita sa kaniyang ina.
Matthew 14
3 Sapagkat si Herodes ang dumakip kay Juan at gumapos sa kaniya at nagdala sa bilangguan alang-alang kay Herodias na asawa ng kaniyang kapatid na si Felipe,4 dahil si Juan ang nagsabi sa kaniya, “Hindi ipinapahintulot na angkinin mo siya.”
Matthew 14
6 Ngunit nang naganap ang kaarawan ni Herodes, ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw sa kalagitnaan at pinasaya si Herodes.7 Kaya siya ay nagpahayag ng pangako na ibibigay sa kaniya ang anumang hihilingin niya.8 At sa paghudyat ng kaniyang ina ay kaniyang sinabi, “Ipagkaloob mo sa akin dito ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo na nakapatong sa bandehado.”9 Nagdalamhati ang hari, ngunit dahil sa kaniyang mga pangako at sa mga nakadulog sa hapag-kainan, iniutos niya na maibigay ito.10 Kaya siya ay nagsugo at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.11 At ang kaniyang ulo ay dinala na nakapatong sa bandehado at ibinigay sa dalaga at kaniyang dinala ito sa kaniyang ina.