26 At biglang nagkaroon ng malakas na lindol, kung kaya nayanig ang mga saligan ng bilangguan, at ang lahat ng mga pinto ay kaagad nabuksan, at ang mga gapos ng lahat ay nakalas.27 At nang nagising ang bantay ng bilangguan mula sa pagkakatulog at nakita niyang bukas na ang mga pinto ng kulungan, binunot niya ang kaniyang tabak at tinangkang patayin ang sarili sa pag-aakalang nakatakas na ang mga bilanggo.