6 Ngunit nang nalaman ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduseo at ang iba ay mga Fariseo, siya ay sumigaw sa Sanhedrin, “Mga ginoo at mga kapatid, ako ay Fariseo, anak ng isang Fariseo. Ako ay hinahatulan patungkol sa pag-asa at sa muling pagkabuhay ng mga patay.”7 At nang sinabi niya ito, nagkaroon kaguluhan sa mga Fariseo at sa mga Saduseo at nahati ang maraming tao8 sapagkat sinasabi nga ng mga Saduseo na walang muling pagkabuhay, ni anghel, o ni espiritu, ngunit ang mga ito ay pinaniniwalaan ng mga Fariseo.