12 At kanilang ginulo ang mga tao, ang matatanda at ang mga eskriba. At sa kanilang pagtayo, sinunggaban nila si Esteban at dinala sa Sanhedrin.13 Gayundin, nagharap sila ng mga bulaang saksi na nagsasabi, “Ang taong ito ay hindi tumitigil sa pagsasalita ng mga mapaglapastangang pananalita laban sa banal na dakong ito at sa Kautusan14 sapagkat narinig namin siyang nagsasabi na itong si Jesus na taga-Nazaret ang wawasak ng dakong ito at babaguhin ang mga kaugalian na ibinigay ni Moises sa atin.”15 At nang siya ay tinitigan ng lahat ng mga nakaupo sa Sanhedrin, nakita nila na ang kaniyang mukha ay katulad ng mukha ng anghel.