14 Ngunit nang nagugol na niya ang lahat, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon at siya ay nagsimula nang mangailangan.15 Kaya siya ay humayo at sumama sa isa sa mga mamamayan ng lupaing iyon. Ngunit siya ay kaniyang sinugo sa kaniyang mga bukirin upang magpakain ng mga baboy.16 At mahigpit niyang hinangad na busugin ang kaniyang tiyan mula sa mga bunga ng punungkahoy ng mga balat ng carob na kinakain ng mga baboy dahil walang sinumang nagbibigay sa kaniya.