12 Kinabukasan, nang narinig nila na si Jesus ay paparating sa Jerusalem, maraming mga tao na nanggaling sa kapistahan13 ang kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang salubungin siya at sumigaw, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon,’ Awi 118:25-26 ang Hari ng Israel!”14 Nang natagpuan ni Jesus ang isang batang asno, sumakay siya rito kagaya ng nasusulat,15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion! Narito, ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro.” Zak 9:916 Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito: subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka lamang nila naalala na ang mga bagay na ito ay nasusulat patungkol sa kaniya at ginawa nila ang mga bagay na ito sa kaniya.