8 At nagpalipad siya ng isang kalapati, upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa.
John 1
32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya.
Luke 3
22 At ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya sa anyong katawan na katulad ng kalapati. At may tinig na nagmula sa langit na nagsasabi, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak, ako ay lubos na nalulugod sa iyo.”
Mark 1
10 At nang umaahon si Jesus mula sa tubig ay kaagad niyang nakita na nabuksan ang kalangitan at ang Espiritu na katulad ng kalapati ay bumababa sa kaniya.
Matthew 3
16 At nang si Jesus ay nabawtismuhan, kaagad siyang umahon mula sa tubig, at narito, nabuksan ang kalangitan sa kaniya at nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang katulad ng isang kalapati at dumadapo kay Jesus.
Psalm 55
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.