Kohde peilissä on lähempänä kuin miltä se näyttää
| Avainsanat | 2. Apokalypsi bahaghari bumalik salamin suriin Toinen toinen Tule tulossa tuomio tuomio tuomio |
|---|---|
| Secondary Keywords | Aika-aika Ilmoitus käsi kädessä katarungan kidlat kotse kotse Loppu lopussa magkapanabay moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni moderni modern moderni moderni moderni moderni moderni moderni modern modern modern modern modern modern modern modern modern modern mo pangyayari Taivas valon valo |
| Tertiary Keywords | Jeesus Jeesus Joulu |
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 251 “Kaya ang paghahari ng langit ay maihahalintulad sa sampung dalagang birhen. Nang nakuha nila ang kanilang mga ilawan, sila ay lumabas upang salubungin ang lalaking ikakasal. 2 Ang lima sa kanila ay matatalino at ang lima ay mga mangmang. 3 Nang nakuha ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, sila ay hindi nagdala ng kanilang langis. 4 Ngunit ang matatalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng kanilang mga ilawan. 5 Habang nagtatagal ang lalaking ikakasal, silang lahat ay inantok at nakatulog. 6 “Ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nagkaroon ng sigaw, ‘Narito, ang lalaking ikakasal ay dumarating! Lumabas kayo upang salubungin siya.’ 7 Kaya bumangon ang lahat ng mga dalagang birheng iyon at inayos ang kanilang mga ilawan. 8 At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, ‘Bigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat namamatay na ang aming mga ilawan.’ 9 Ngunit ang matatalino ay sumagot na nagsasabi, ‘Hindi maaari. Baka hindi ito maging sapat para sa inyo at sa amin. Kaya pumunta na lang kayo sa mga nagtitinda at bumili kayo para sa inyong sarili.’ 10 Ngunit nang sila ay nakaalis upang bumili, ang lalaking ikakasal ay dumating at silang mga nakahanda ay pumasok na kasama niya sa piging ng kasalan at isinara ang pinto. 11 “At pagkatapos ay dumating din ang ibang mga dalagang birhen na nagsasabi, ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.’ 12 Ngunit sumagot siya at sinabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala.’ 13 “Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw, ni ang oras kung kailan darating ang Anak ng Tao. 14 “Ito ay katulad din ng isang lalaki na yamang siya ay naglalakbay patungo sa malayong lugar, tinawag niya ang kaniyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian. 15 Ibinigay niya sa isa ang limang talento°, at sa isa ay dalawang talento at sa isa ay isang talento ayon sa kakayahan ng bawat isa. At kaagad siyang naglakbay patungo sa malayong lugar. 16 Siya na tumanggap ng limang talento ay umalis at ikinalakal niya ang mga ito at tumubo ng lima pang talento. 17 Gayundin yaong may dalawa, siya rin ay tumubo ng dalawa pa. 18 Ngunit siya na tumanggap ng isa ay umalis at naghukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon. 19 At pagkatapos ng mahabang panahon, ang panginoon ng mga aliping iyon ay dumating at sila ay nagbigay-sulit sa kaniya. 20 “At nang lumapit yaong nakatanggap ng limang talento, dinala niya ang lima pang talento, na sinasabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, ako ay tumubo ng lima pang talento.’ 21 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, ‘Mahusay, aliping mabuti at matapat! Ikaw ay naging matapat sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.’ 22 At lumapit din yaong tumanggap ng dalawang talento, na sinasabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang dalawang talento. Narito, ako ay tumubo ng dalawa pang talento.’ 23 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, ‘Mahusay, aliping mabuti at matapat! Ikaw ay naging matapat sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.’ 24 “At lumapit din yaong tumanggap ng isang talento at sinabi, ‘Panginoon, alam ko na ikaw ay isang malupit na tao na umaani sa hindi mo inihasik at nag-iipon sa hindi mo ikinalat. 25 At dahil sa takot, ako ay umalis at itinago sa lupa ang iyong talento. Narito, kunin mo ang sa iyo.’ 26 “Ngunit sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, ‘Aliping masama at tamad! Alam mo na ako ay umaani sa hindi ko hinasikan at nag-iipon sa hindi ko kinalatan. 27 Dapat nga ay dinala mo ang aking salapi sa mga mamamalit-salapi at sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang anumang sa akin na may tubo. 28 Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may sampung talento. 29 “ ‘Sapagkat ang bawat isang nagtataglay ay mabibigyan at siya ay mananagana. Ngunit siya na hindi nagtataglay, maging ang kaniyang tinataglay ay kukunin mula sa kaniya. 30 At ang walang pakinabang na alipin ay itapon ninyo sa kadiliman na nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.’ 31 “At kapag ang Anak ng Tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian at ang lahat ng mga banal na anghel ay kasama niya, sa panahong iyon siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian. 32 At titipunin ang lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan at ihihiwalay niya sila sa isa't isa katulad ng pastol na inihihiwalay ang mga tupa mula sa mga kambing. 33 At ilalagay nga niya ang mga tupa sa kaniyang bahaging kanan, ngunit ang mga kambing ay sa bahaging kaliwa. 34 Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa kanila na nasa kaniyang bahaging kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda sa inyo mula pa sa pagkatatag ng sanlibutan 35 sapagkat ako ay nagutom ngunit binigyan ninyo ako ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit binigyan ninyo ako ng maiinom. Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay inyong pinatuloy. 36 Ako ay naging hubad ngunit ako ay dinamtan ninyo. Ako ay nagkasakit ngunit ako ay inyong dinalaw. Ako ay nabilanggo ngunit ako ay inyong pinuntahan.’ 37 “Sa oras na iyon ay sasagot ang mga matuwid sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain ka namin, o nauuhaw at binigyan ka namin ng maiinom? 38 At kailan ka namin nakitang naging dayuhan at pinatuloy ka namin, o naging hubad at dinamitan ka namin? 39 Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at kami ay pumunta sa iyo?’ 40 Sa pagsagot ng hari ay sasabihin niya sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid ko, ito ay ginawa ninyo sa akin.’ 41 “Pagkatapos ay sasabihin din niya sa kanila na nasa bahaging kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa patungo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel 42 sapagkat ako ay nagutom ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng maiinom. 43 Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay hindi ninyo pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit ako ay hindi ninyo dinamtan. Ako ay nagkasakit at nabilanggo ngunit ako ay hindi ninyo dinalaw.’ 44 “Sa oras na iyon ay sasagot din sila sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging dayuhan, o naging hubad, o nagkasakit, o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?’ 45 Kaya siya ay sasagot sa kanila na sinasabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, ito ay hindi ninyo ginawa sa akin.’ 46 At ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay patungo sa buhay na walang hanggan.” |