Äiti ja lapsi
| Avainsanat | bagong silang bata bato Cristo Emmanuel immanuaalinen lampin lapida likuran Madona Pasko Pidä kiinni Pidättäminen sanggol sanggol |
|---|---|
| Secondary Keywords | anak na lalaki at babae babae batang lalaki birhen Herra Huggings iloa iloinen ina ina at anak Jesus Luottamus mapagmahal maria masaya Messiah Mies Onnea onnellinen pag-ibig prinsipe ng kapayapaan Tagapagligtas tagapagligtas tiwala Vanhemmat vanhemmat yakap |
| Mga Banal na Kasulatan | Isaiah 91 Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa. 2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag. 3 Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam. 4 Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian. 5 Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy. 6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. 7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo. 8 Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel, 9 At malalaman ng buong bayan ng Ephraim, at ng nananahan sa Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo, 10 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro. 11 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit; 12 Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat. 13 Gayon ma'y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo. 14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw. 15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot. 16 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak. 17 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat. 18 Sapagka't ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok. 19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid. 20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig: 21 Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat. John 11 Sa simula ay naroroon na ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos. 2 Siya ay sumasa Diyos buhat nang simula. 3 Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya, kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay ang nalikha. 4 Ang buhay ay nasa kaniya at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao 5 at ang ilaw ay nagliwanag sa kadiliman at hindi ito tinanggap ng kadiliman. 6 May lalaking isinugong mula sa Diyos na ang pangalan ay Juan. 7 Siya ay pumarito bilang saksi upang magpatotoo patungkol sa Ilaw upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya. 8 Hindi siya ang Ilaw, ngunit siya ay isinugo upang magpatotoo patungkol sa Ilaw. 9 Ang tunay na Ilaw ay siya na nagbibigay liwanag sa bawat taong pumaparito sa sanlibutan. 10 Siya ay nasa sanlibutan at ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan niya, ngunit hindi siya kinilala ng sangkatauhan. 11 Siya ay pumunta sa kaniyang sariling mga tao ngunit hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga tao. 12 Ngunit ang lahat ng mga tumanggap sa kaniya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan. 13 Sila ay ipinanganak hindi sa pamamagitan ng dugo, ni sa pamamagitan ng kalooban ng laman, ni sa pamamagitan ng kalooban ng tao, kundi sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. 14 Ang Salita ay nagkatawang-tao at nanahang kasama namin at namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama, na puspos ng biyaya at katotohanan. 15 Si Juan ay nagpapatotoo patungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siya ang aking sinasabi, ‘Ang paparitong kasunod ko ay higit kaysa akin sapagkat siya ay una sa akin.’ ” 16 At mula sa kaniyang kapuspusan, tayong lahat ay tumanggap din ng tuluy-tuloy na biyaya, 17 sapagkat ang Kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang siyang naghayag sa kaniya. 19 Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga pinuno ng mga Judio ang mga saserdote at mga Levita mula sa Jerusalem upang tanungin siya, “Sino ka?” 20 Siya ay nagtapat at hindi nagkaila. Kaniyang ipinagtapat, “Hindi ako ang Cristo.” 21 Siya ay tinanong nila, “Sino ka ba talaga? Ikaw ba si Elias?” Sinabi niya, “Hindi ako.” “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.” 22 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Sino ka ba talaga? Sabihin mo sa amin nang sa gayon ay maibigay namin ang sagot sa nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo patungkol sa iyong sarili?” 23 Sinabi niya, “Ako ‘yaong tinig na sumisigaw sa ilang. “Tuwirin ninyo ang landas ng Panginoon” ’ Isa 40:3 katulad ng sinabi ni Isaias na propeta.” 24 Sila na mga isinugo ay nagmula sa mga Fariseo. 25 Siya ay tinanong nila at sinabi sa kaniya, “Kung gayon, bakit ka nagbabawtismo yamang hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?” 26 Sumagot si Juan sa kanila na sinasabi, “Ako ay nagbabawtismo sa tubig, ngunit may isang nakatayo sa inyong kalagitnaan na hindi ninyo kinikilala. 27 Siya ang pumaparitong kasunod ko na higit kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.” 28 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Betabara, sa ibayo ng Jordan na pinagbabawtismuhan ni Juan. 29 Kinabukasan nang nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan! 30 Siya ang aking tinutukoy, ‘Ang paparitong kasunod ko ay isang lalaking higit kaysa sa akin sapagkat siya ay una sa akin.’ 31 Hindi ko siya kilala, ngunit ako ay naparitong nagbabawtismo sa tubig upang maihayag siya sa Israel.” 32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya. 33 Hindi ko siya kilala, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa tubig, siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bumababa at nananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’ 34 Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.” 35 Kinabukasan, si Juan ay muling tumayo roon kasama ang dalawa sa kaniyang mga alagad. 36 Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos!” 37 Narinig ng dalawang alagad nang siya ay nagsalita kaya sumunod sila kay Jesus. 38 Paglingon ni Jesus at nakita niyang sumusunod sila, sinabi niya sa kanila, “Ano ang inyong hinahanap?” Sinabi nila sa kaniya, “Rabbi,” (ang ibig sabihin ay Guro) “saan ka nakatira?” 39 Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at inyong tingnan.” Sila ay pumaroon at nakita nila ang kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-ikasampu na ang oras. 40 Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Una niyang hinanap ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Natagpuan namin ang Mesiyas” (na ang kahulugan ay Cristo). 42 Isinama ni Andres si Simon kay Jesus. Tiningnan siya ni Jesus at sinabi, “Ikaw ay si Simon na anak ni Jonas, tatawagin kang Cefas” (na ang ibig sabihin ay bato). 43 Kinabukasan ay ninais ni Jesus na pumunta sa Galilea. Natagpuan niya si Felipe at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” 44 Si Felipe ay taga-Betsaida na lungsod nina Andres at Pedro. 45 Natagpuan ni Felipe si Natanael at sinabi sa kaniya, “Siya na isinulat ni Moises sa Kautusan at ng mga Propeta ay nasumpungan namin. Siya ay si Jesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose.” 46 At sinabi ni Natanael sa kaniya, “May mabuti bang bagay na magmumula sa Nazaret?” Sinabi sa kaniya ni Felipe, “Halika at tingnan mo.” 47 Nakita ni Jesus si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang patungkol kay Natanael, “Narito, ang totoong taga-Israel na sa kaniya ay walang pandaraya.” 48 Sinabi sa kaniya ni Natanael, “Papaano mo ako nakilala?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Bago ka pa tawagin ni Felipe ay nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” 49 Sumagot si Natanael at sinabi sa kaniya, “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!” 50 Sumagot si Jesus sa kaniya at sinabi, “Sumasampalataya ka ba dahil sinabi kong ‘Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos’? Makikita mo ang mga bagay na higit na dakila kaysa sa mga ito.” 51 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay makikita ninyong bukas ang langit. Makikita ninyo ang mga anghel ng Diyos ay pumapaitaas at bumababa sa Anak ng Tao.” Mark 11 The beginning of the gospel of Jesus Christ, the Son of God. 2 As it is written in Isaiah the prophet, “Behold, I send my messenger before your face, who will prepare your way, 3 the voice of one crying in the wilderness: ‘Prepare the way of the Lord, make his paths straight,’” 4 John appeared, baptizing in the wilderness and proclaiming a baptism of repentance for the forgiveness of sins. 5 And all the country of Judea and all Jerusalem were going out to him and were being baptized by him in the river Jordan, confessing their sins. 6 Now John was clothed with camel's hair and wore a leather belt around his waist and ate locusts and wild honey. 7 And he preached, saying, “After me comes he who is mightier than I, the strap of whose sandals I am not worthy to stoop down and untie. 8 I have baptized you with water, but he will baptize you with the Holy Spirit.” 9 In those days Jesus came from Nazareth of Galilee and was baptized by John in the Jordan. 10 And when he came up out of the water, immediately he saw the heavens being torn open and the Spirit descending on him like a dove. 11 And a voice came from heaven, “You are my beloved Son; with you I am well pleased.” 12 The Spirit immediately drove him out into the wilderness. 13 And he was in the wilderness forty days, being tempted by Satan. And he was with the wild animals, and the angels were ministering to him. 14 Now after John was arrested, Jesus came into Galilee, proclaiming the gospel of God, 15 and saying, “The time is fulfilled, and the kingdom of God is at hand; repent and believe in the gospel.” 16 Passing alongside the Sea of Galilee, he saw Simon and Andrew the brother of Simon casting a net into the sea, for they were fishermen. 17 And Jesus said to them, “Follow me, and I will make you become fishers of men.” 18 And immediately they left their nets and followed him. 19 And going on a little farther, he saw James the son of Zebedee and John his brother, who were in their boat mending the nets. 20 And immediately he called them, and they left their father Zebedee in the boat with the hired servants and followed him. 21 And they went into Capernaum, and immediately on the Sabbath he entered the synagogue and was teaching. 22 And they were astonished at his teaching, for he taught them as one who had authority, and not as the scribes. 23 And immediately there was in their synagogue a man with an unclean spirit. And he cried out, 24 “What have you to do with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us? I know who you are—the Holy One of God.” 25 But Jesus rebuked him, saying, “Be silent, and come out of him!” 26 And the unclean spirit, convulsing him and crying out with a loud voice, came out of him. 27 And they were all amazed, so that they questioned among themselves, saying, “What is this? A new teaching with authority! He commands even the unclean spirits, and they obey him.” 28 And at once his fame spread everywhere throughout all the surrounding region of Galilee. 29 And immediately he left the synagogue and entered the house of Simon and Andrew, with James and John. 30 Now Simon's mother-in-law lay ill with a fever, and immediately they told him about her. 31 And he came and took her by the hand and lifted her up, and the fever left her, and she began to serve them. 32 That evening at sundown they brought to him all who were sick or oppressed by demons. 33 And the whole city was gathered together at the door. 34 And he healed many who were sick with various diseases, and cast out many demons. And he would not permit the demons to speak, because they knew him. 35 And rising very early in the morning, while it was still dark, he departed and went out to a desolate place, and there he prayed. 36 And Simon and those who were with him searched for him, 37 and they found him and said to him, “Everyone is looking for you.” 38 And he said to them, “Let us go on to the next towns, that I may preach there also, for that is why I came out.” 39 And he went throughout all Galilee, preaching in their synagogues and casting out demons. 40 And a leper came to him, imploring him, and kneeling said to him, “If you will, you can make me clean.” 41 Moved with pity, he stretched out his hand and touched him and said to him, “I will; be clean.” 42 And immediately the leprosy left him, and he was made clean. 43 And Jesus sternly charged him and sent him away at once, 44 and said to him, “See that you say nothing to anyone, but go, show yourself to the priest and offer for your cleansing what Moses commanded, for a proof to them.” 45 But he went out and began to talk freely about it, and to spread the news, so that Jesus could no longer openly enter a town, but was out in desolate places, and people were coming to him from every quarter. |