Pettymys
| Avainsanat | 0172 Aviomies Josef katipan Maria Mies Nainen nainen okupado pareha Vaimo vaimo |
|---|---|
| Secondary Keywords | Ihmiset ihmiset kasal Luottamus Mies Nainen nainen tiwala |
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Corinthians 725 Ngunit patungkol sa mga dalagang birhen, wala akong taglay na utos ng Diyos, subalit ako ay nagbibigay ng payo na siya ay maging matapat bilang isang taong nakatanggap ng habag mula sa Diyos. 26 Kaya ipinapalagay ko na ito ay mabuti dahil sa kasalukuyang pangangailangan, na mabuti para sa isang tao ang maging ganito. 27 Ikaw ba ay ipinagkasundo na sa isang asawang babae? Huwag mong hangaring makipaghiwalay. Ikaw ba ay hiwalay na sa iyong asawang babae? Huwag kang maghanap ng asawang babae. 28 Ngunit kapag ikaw naman ay nag-asawa, ikaw ay hindi nagkasala at kapag ang isang dalagang birhen ay nag-asawa, siya ay hindi nagkasala. Subalit ang mga may asawa ay daranas ng kahirapan sa buhay at ang hangad ko ay mailigtas kayo sa mga bagay na ito. 29 Ngunit mga kapatid, ito ang sinasabi ko, ang panahon ay maikli na kaya mula ngayon ang mga lalaki rin, kahit may mga asawang babae, ay maging katulad ng mga walang asawa. 30 At sila na mga tumatangis ay maging parang mga hindi tumatangis, at sila na mga nagagalak ay maging parang mga hindi nagagalak, at sila na mga bumibili ay maging parang walang mga pag-aari, 31 at sila na mga nagtatamasa sa sanlibutang ito ay maging parang mga hindi nagtatamasa sapagkat ang kaugalian ng sanlibutang ito ay lumilipas. 32 Ngunit ninanais ko na kayo ay maging mga walang kabalisahan. Siya na walang asawa ay nagmamalasakit sa mga bagay para sa Panginoon kung paano siya magbibigay lugod sa Panginoon. 33 Subalit ang lalaking nag-asawa ay nagmamalasakit sa mga bagay ng sanlibutan kung paano siya magbibigay lugod sa kaniyang asawang babae. 34 Magkaiba ang babaing may asawa at ang dalagang birhen. Ang babaing walang asawa ay nagmamalasakit sa mga bagay ng Panginoon upang siya ay maging banal, kapwa sa kaniyang katawan at sa kaniyang espiritu, ngunit ang babaing nag-asawa ay nagmamalasakit sa mga bagay ng sanlibutan kung paano siya magbibigay lugod sa kaniyang asawang lalaki. 35 At sinasabi ko ito para sa inyo mismong ikabubuti, hindi upang maglagay ako ng patibong sa inyo kundi para sa bagay na marangal, at upang kayo ay makapaglingkod sa Panginoon ng walang nakakagambala. 36 Ngunit kung ang isang lalaki ay nag-aakala na hindi nararapat ang kaniyang asal sa dalagang birhen na kaniyang inaasahang mapangasawa, kapag inaakala ng babae na siya ay lagpas na sa gulang, at sa gayon ay dapat nang maganap ang ninanais ng lalaki na pagpapakasal, hayaan siyang gawin ito, siya ay hindi nagkakasala. Hayaan silang magpakasal. 37 Ngunit siya na naninindigang matatag sa kaniyang puso, na hindi napipilitan ngunit may kapamahalaan patungkol sa sarili niyang kalooban, at ito ay pinagpasyahan niya sa kaniyang puso na ingatan ang kaniyang dalagang birhen, mabuti ang kaniyang ginagawa. 38 Kung kaya mabuti rin ang ginagawa ng isang lalaking ipinapagpakasal, ngunit mas mabuti ang ginagawa ng lalaking hindi ipinapagpakasal. Matthew 118 At ganito ang naging kapanganakan ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kaniyang ina ay ipinagkatipan na mapangasawa ni Jose bago pa sila magsama, siya ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. |