10 At ako ay dinala niya sa pamamagitan ng Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok, at ipinakita niya sa akin ang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem na bumababa mula sa langit, na nagmula sa Diyos,
Revelation 21
18 At ang pader nito ay yari sa batong haspe at ang lungsod ay dalisay na ginto katulad ng malinaw na salamin.19 At ang mga saligan ng pader ng lungsod ay nagayakan ng lahat ng uri ng mga mahalagang bato: ang una ay batong haspe, ang pangalawa ay batong sapiro, ang pangatlo ay batong kalsedoniya, ang pang-apat ay batong esmeralda,20 ang panlima ay batong onise, ang pang-anim ay batong kornalina, ang pangpito ay batong krisolito, ang pangwalo ay batong berilo, ang pangsiyam ay batong topas, ang pangsampu ay batong krisopraso, ang panlabing-isa ay batong hasinto at ang panlabindalawa ay batong amatista.21 At ang labindalawang tarangkahan ay labindalawang perlas: ang bawat isang tarangkahan ay yari sa perlas at ang lansangan ng lungsod ay dalisay na ginto katulad ng salaming nalalagos ng paningin.
Revelation 21
2 At ako, si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababang nagmula sa Diyos mula sa langit na nakahanda katulad ng isang babaing ikakasal na ginayakan para sa kaniyang asawa.