27 Ang dalisay at walang dungis na relihiyon sa harapan ng Diyos at Ama ay ito: ang pagdalaw sa mga ulila at sa mga babaing balo sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat sa kaniyang sarili na walang dungis mula sa sanlibutan.
Luke 18
16 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang pigilan sapagkat ang paghahari ng Diyos ay para sa mga katulad nila.
Mark 10
14 Subalit labis na nagalit si Jesus nang nakita ito, at sinabi niya sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.
Matthew 19
14 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pahintulutan ninyo ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangang makalapit sa akin sapagkat para sa mga katulad nila ang paghahari ng langit.”
Proverbs 22
6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.