14 Subalit labis na nagalit si Jesus nang nakita ito, at sinabi niya sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.
Matthew 19
14 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pahintulutan ninyo ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangang makalapit sa akin sapagkat para sa mga katulad nila ang paghahari ng langit.”
Proverbs 31
25 Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot. At kaniyang tinatawanan ang panahong darating.26 Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila.27 Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan, at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran.28 Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayon din ang kaniyang asawa, at pinupuri siya niya, na sinasabi:
Psalm 127
3 Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.