10 Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating katulad ng magnanakaw sa gabi kung saan ang kalangitan ay mapaparam na may malakas na ugong at ang mga sangkap na bumubuo nito ay magugunaw sa pamamagitan ng napakatinding init at ang lupa at ang mga gawa na naroroon ay matutupok.
Matthew 24
6 At magsisimula na kayong makarinig ng mga digmaan at ng mga balita ng mga digmaan. Masdan ninyo, huwag kayong mangamba sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari ngunit hindi pa ito ang wakas7 sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. At magkakaroon ng mga taggutom at mga salot at mga lindol sa iba't ibang lugar.
Revelation 18
9 “At ang mga hari sa daigdig, yaong mga nakiapid sa kaniya at nagpakahalay, ay tatangis at mananaghoy dahil sa kaniya kapag makita nila ang usok ng pagsunog sa kaniya.10 Dahil sa takot sa kaniyang pagdurusa, sila na nakatayo sa malayo ay nagsasabi, ‘Kaabahan, kaabahan, ang dakilang lungsod ng Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Sapagkat sa loob ng isang oras ay dumating ang iyong kahatulan.’