Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
GoodSalt™
Etsi
Tili
Ostoskori
  • Tili
  • Valolaatikko
  • Sign In
  • Rekisteröidy
GoodSalt™
Ang pinuno ng mundo sa relihiyosong imahe.
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Etsi
Advanced Options ▼
Skip to the end of the images gallery
Pedro na walang takot ng pag-uusig
Skip to the beginning of the images gallery

Pedro na walang takot ng pag-uusig

Tuote
ID ID
prcas4534
Taiteilija
Providence Collection
Kuvan tiedot
More Information
Secondary Keywords Jerusalem   Juan   Jumala   kasaysayan   pag-uusig   pahimakas   Peter   Sanedrin   simbahan   sundin   Uusi uusi uusi  
Mga Banal na Kasulatan
Gawa 4   Gawa 5  

Acts 4

1 Habang sila ay nagsasalita sa mga tao, dumating sa kanila ang mga saserdote, ang kapitan ng templo at ang mga Saduseo 2 na nababahala sapagkat tinuturuan nila ang mga tao at inihahayag nila na sa pamamagitan ni Jesus ang muling pagkabuhay mula sa mga patay. 3 Sila ay kanilang dinakip at ibinilanggo hanggang sa kinabukasan dahil noon ay gumagabi na. 4 Gayunpaman marami sa mga nakarinig ng salita ay sumampalataya, at ang bilang ng mga lalaki ay halos limang libo. 5 At nangyari, kinabukasan ay nagtipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno, mga matatanda at mga eskriba, 6 sila Anas na pinakapunong saserdote, Caifas, Juan, Alejandro at sinumang mula sa angkan ng pinakapunong saserdote. 7 Nang nailagay sila sa kalagitnaan, sila ay tinanong, “Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo ginawa ito?” 8 Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay nagsabi sa kanila, “Mga pinuno ng mga tao at mga matatanda ng Israel, 9 kung sa araw na ito kami ay sinisiyasat sa mabuting gawa na ginawa sa taong may kapansanan at sa anong paraan siya gumaling, 10 alamin ninyong lahat at ng buong bayan ng Israel, na sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na ibinangon ng Diyos mula sa mga patay, sa pamamagitan niya ang lalaking ito ay nakatayo sa inyong harapan na magaling na. 11 Siya ang ‘bato na hinamak ninyo na mga tagapagtayo, siya ang naging ulo ng panulok.’ Awi 118:22 12 At wala ng ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat wala ng ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na dapat nating ikaligtas.” 13 Nang nakita nila ang katapangan nina Pedro at Juan, at napag-alaman na sila ay mga lalaking hindi nakapag-aral at hindi naturuan, sila ay namangha at kanilang nalaman na sila ay mga naging kasama ni Jesus. 14 At habang nakikita nila ang lalaking pinagaling na nakatayong kasama nila, wala silang masabing laban dito. 15 Ngunit pagkatapos silang utusan na lumabas sa Sanhedrin, sila ay nagsanggunian sa isa't isa 16 na nagsasabi, “Anong gagawin natin sa mga lalaking ito? Sapagkat totoong ang kapansin-pansing tanda na nangyari sa pamamagitan nila ay hayag sa lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at hindi natin ito maipagkakaila. 17 Ngunit upang hindi na ito maikalat pa sa mga tao, pagbantaan natin sila sa babalang huwag nang magsalita sa sinumang tao sa pangalang ito.” 18 Kaya pagkatawag sa kanila, sila ay inutusan na huwag nang magsalita kahit kailan, ni magturo sa pangalan ni Jesus. 19 Ngunit sina Pedro at Juan ay sumagot at nagsabi sa kanila, “Kung ito ay matuwid sa paningin ng Diyos na kayo ang pakinggan higit sa Diyos, kayo ang humatol 20 sapagkat hindi namin kayang hindi magsalita patungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.” 21 Nang sila ay napagbantaan pa nila ng higit, sila ay kanilang pinalaya sapagkat wala silang nakikitang paraan upang sila ay maparusahan dahil sa mga tao, dahil niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Diyos sa nangyari 22 sapagkat ang lalaki na siyang ginawan ng tanda na ito ng pagpapagaling ay mahigit apatnapung taong gulang na. 23 Nang sila ay napalaya na, pumunta sila sa kanilang mga kasamahan at kanilang ibinalita ang anumang sinabi sa kanila ng mga punong saserdote at ng matatanda. 24 Nang kanilang narinig iyon, nagkaisa silang tumawag sa Diyos at kanilang sinabi, “Panginoon, ikaw ang Diyos na siyang gumawa ng langit, ng lupa, ng dagat at ng lahat ng mga naroroon. 25 Ikaw, sa pamamagitan ng bibig ng iyong lingkod na si David, ang siyang nagsabi, ‘Bakit napoot ang mga bansa at ang mga tao ay nag-isip ng mga walang kabuluhan? 26 Ang mga hari sa lupa ay tumindig at ang mga pinuno ay nagtipon laban sa Panginoon at laban sa kaniyang Cristo.’ Awi 2:1-2 27 “Sapagkat totoong nagtipon sina Herodes at Pontio Pilato, kasama ang mga Gentil at ang bayan ng Israel laban sa iyong Banal na Anak na si Jesus, na iyong pinahiran ng langis, 28 upang gawin ang anumang itinakda ng iyong kamay at ng iyong kalooban nang una pa na dapat mangyari. 29 Ngayon Panginoon, masdan mo ang kanilang mga pagbabanta. Ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na buong tapang na makapagpahayag ng iyong salita 30 sa pamamagitan ng pag-unat mo ng iyong kamay upang magpagaling, at upang ang mga tanda at ang mga kamangha-manghang gawa ay maganap sa pamamagitan ng pangalan ng iyong Banal na Anak na si Jesus.” 31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang dako kung saan sila nagkatipon, at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nilang may katapangan ang salita ng Diyos. 32 Ang malaking bilang ng mga sumampalataya ay isa sa puso at sa kaluluwa, at wala ni isa man ang nagsabi na ang mga tinatangkilik niya ay sa kaniya kundi ang lahat ng mga bagay ay para sa lahat. 33 At sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay nagbigay ng patotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus, at ang dakilang biyaya ay sumakanilang lahat. 34 Walang sinuman sa kanila ang nangailangan sapagkat ipinagbili ng sinumang mga nagmamay-ari ang kanilang mga lupain o mga tirahan, at ang halaga ng pinagbilhan ay kanilang dinala 35 at inilagay sa paanan ng mga apostol, at ipinamamahagi ito sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan. 36 Si Jose, na sa pamamagitan ng mga apostol ay pinangalanang Barnabas (na ang kahulugan ay anak ng kaaliwan), na isang Levita na ipinanganak sa Cyprus, 37 ay nagmamay-ari ng bukirin. Nang ito ay kaniyang naipagbili, dinala niya ang salapi at inilagay sa paanan ng mga apostol.

Acts 5

1 Ngunit isang lalaking nagngangalang Ananias, kasama ang kaniyang asawang si Safira, ay nagbenta ng ari-arian 2 at nilustay ang bahagi mula sa pinagbilhan na alam din ng kaniyang asawa, at nang dinala niya ang natitirang bahagi, inilagay ito sa paanan ng mga apostol. 3 Ngunit sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling ka sa Banal na Espiritu at upang lustayin ang bahagi ng halagang pinagbilhan ng lupa? 4 Nang ito ay hindi pa naipagbibili, hindi ba ito ay nananatili sa iyo? Nang ito ay naipagbili na, hindi ba ito ay nasa ilalim ng iyong pamamahala? Bakit inilagay mo ang gawaing ito sa iyong puso? Hindi ka nagsinungaling sa mga tao kundi sa Diyos.” 5 At habang naririnig ni Ananias ang mga salitang ito, siya ay natumba at namatay. Kaya dumating ang matinding takot sa lahat ng mga nakarinig ng mga bagay na ito. 6 At tumindig ang mga kabataan at siya ay kanilang binalot, dinala palabas at siya ay kanilang inilibing. 7 At nangyari, paglipas ng halos tatlong oras, ang kaniyang asawa na walang alam sa nangyari ay pumasok. 8 Kaya sinabi ni Pedro sa kaniya, “Sabihin mo sa akin, sa gayong halaga ba ninyo ipinagbili ang lupain?” At sinabi niya, “Oo, sa gayong halaga.” 9 Sinabi nga ni Pedro sa kaniya, “Bakit kayo nagkasundo na tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? Narito, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan at dadalhin ka nila palabas.” 10 Kaya kaagad siyang bumagsak sa paanan ni Pedro at namatay. At pagkapasok ng mga kabataang lalaki, siya ay natagpuan nilang patay kaya siya ay kanilang dinala sa labas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa. 11 At nagkaroon ng matinding takot sa buong iglesiya at sa lahat ng mga nakarinig sa mga bagay na ito. 12 Sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay nangyari ang maraming tanda at ang mga kamangha-manghang gawa sa maraming tao. Silang lahat ay nagkakaisa sa portiko ni Solomon. 13 Ngunit iyong mga iba, walang sinuman ang naglakas-loob na mapabilang sa kanila, gayunpaman dinakila sila ng mga tao. 14 At lalo pang nadagdagan ang mga sumasampalataya sa Panginoon, maraming mga lalaki at maraming mga babae. 15 Sa gayon, dinala nila sa mga lansangan ang mga maysakit at inilagay sa mga higaan at mga banig upang habang dumadaan si Pedro ay maliliman man lamang ng anino ang ilan sa kanila. 16 At dumating din ang maraming tao na mula sa mga lungsod sa palibot ng Jerusalem na dala ang mga maysakit at ang mga pinahihirapan ng mga karumal-dumal na espiritu at silang lahat ay pinagaling. 17 At tumindig ang pinakapunong saserdote at lahat niyaong mga kasama niya (na pangkat ng mga Saduseo). Sila ay napuspos ng inggit 18 kaya dinakip nila ang mga apostol at ikinulong sa bilangguang-bayan. 19 Ngunit nang gabi na, binuksan ng anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng kulungan. Nang nailabas niya ang mga apostol ay sinabi niya, 20 “Humayo kayo, tumayo kayo sa templo at sabihin ninyo sa mga tao ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito.” 21 At pagkarinig nila nito, sila ay pumasok sa templo nang mag-uumaga na at sila ay nagturo. Subalit pagdating ng pinakapunong saserdote at ng mga kasama niya, pinulong nila ang Sanhedrin at lahat ng matatanda sa mga anak ng Israel. At nagsugo sila sa piitan upang kunin ang mga apostol. 22 Ngunit nang dumating ang mga opisyal, hindi nila nakita sa kulungan ang mga apostol kaya sa pagbalik nila, sila rin ay nag-ulat 23 na nagsasabi, “Natagpuan nga namin ang piitan na nakasarang mabuti at ang mga bantay ay nakatayo sa labas ng mga pintuan, ngunit nang aming buksan ang mga pinto, wala kaming nakita kahit isa sa loob.” 24 Nang ang mga salitang ito ay narinig ng mga saserdote, ng kapitan ng templo at ng mga punong saserdote, sila ay lubhang nabahala patungkol sa kanila kung ano ang magiging kahihinatnan nito. 25 Ngunit dumating ang isang lalaki at nag-ulat sa kanila na sinasabi, “Narito, ang mga lalaking inilagay ninyo sa bilangguan ay nakatayo sa templo at nagtuturo sa mga tao!” 26 Pagkatapos nito, pumunta sa templo ang kapitan kasama ang mga opisyal at dinala ang mga apostol nang walang dahas dahil natatakot sila sa mga tao na baka sila ay pagbabatuhin. 27 Nang nadala nila ang mga apostol, sila ay pinatayo sa harap ng Sanhedrin at tinanong sila ng pinakapunong saserdote 28 na sinasabi, “Hindi ba mahigpit naming iniutos sa inyo na huwag kayong magturo sa pangalang ito? Narito, pinuno na ninyo ng inyong katuruan ang Jerusalem at ibig ninyong papanagutin kami sa dugo ng taong ito.” 29 Si Pedro at ang mga apostol ay sumagot at sinabi, “Kinakailangan naming sumunod sa Diyos kaysa sa mga tao. 30 Ang Diyos ng ating mga ninuno ang nagbangon kay Jesus na inyong pinatay sa pagbitin sa kaniya sa kahoy. 31 Siya, ang Pinakapinuno at ang Tagapagligtas, ay itinaas ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang pagkalooban ng pagsisisi ang Israel at kapatawaran ng mga kasalanan. 32 Kami ay mga saksi niya patungkol sa mga salitang ito, gayundin ang Banal na Espiritu na siyang ibinigay ng Diyos sa kanila na mga sumusunod sa kaniya.” 33 Nang narinig nila ito, nag-alab ang kanilang galit at kanilang pinagpasyahan na sila ay patayin. 34 Ngunit tumayo ang isa sa Sanhedrin, isang Fariseo na ang pangalan ay Gamaliel, isang tagapagturo ng Kautusan na iginagalang ng lahat ng mga tao. Iniutos niyang ilabas sandali ang mga apostol. 35 At sinabi rin niya sa kanila, “Mga ginoo, mga taga-Israel, mag-ingat kayo sa inyong mga sarili, sa inyong mga iniisip na gawin laban sa mga taong ito 36 sapagkat bago pa sa mga araw na ito ay tumindig si Teudas, na nagsasabi na isa siyang tanyag, na sa kaniya ay sumama ang mga lalaki na ang bilang ay halos apatnaraan. Siya ay pinatay at ang lahat ng mga nahikayat niya ay nagkahiwa-hiwalay at naging walang kabuluhan. 37 Pagkatapos nito ay tumindig si Judas na taga-Galilea sa mga araw ng pagpapatala at siya ay nakahikayat ng maraming tao upang sumunod sa kaniya, at siya rin ay namatay at ang lahat ng mga nahikayat niya ay nangalat. 38 At ito ngayon ang sinasabi ko sa inyo, layuan ninyo ang mga taong ito at pabayaan sila sapagkat kung ang layunin o ang gawaing ito ay mula sa tao, ito ay mabubuwag. 39 Ngunit kung ito ay mula sa Diyos, ito ay hindi ninyo makakayang buwagin, at baka kayo ay matagpuang mga kalaban ng Diyos.” 40 Sila ay kaniya ngang nahikayat kaya kanilang ipinatawag ang mga apostol. Pagkatapos silang hagupitin, sila ay kanilang inutusan na huwag magsalita sa pangalan ni Jesus, at sila ay kanilang pinalaya. 41 Kaya nga, sila ay umalis sa harapan ng Sanhedrin na nagagalak dahil sila ay ibinilang na karapat-dapat na dumanas ng kahihiyan alang-alang sa kaniyang pangalan. 42 At sa bawat araw sa templo at sa mga bahay, sila ay hindi tumitigil sa pagtuturo at sa pagpahayag ng ebanghelyo, na si Jesus ang Cristo.

Tiedoston enimmäiskoko
Lapad
3034
Taas
4000
₱242.93
Special Galleries
Good Soil Print Gallery
GoodSalt Gallery
Nature Photography Gallery
Steve Creitz Select
Seasonal
Harry Anderson Select

Tarjoamme merkittäviä volyymilisensointialennuksia.
Onko kysyttävää? Soita 800-805-8001 or +1 208-455-5659 ja pyydä tarjous. Työskentelemme budjettisi mukaan.

Post To Feed Pin It
Valolaatikko
Aiheeseen liittyvät kuvat
  1. Uusi taivas, uusi maa
  2. Jerusalemin kirkko palvoi
  3. Peterin uusi mestari
  4. Sina Pedro at Juan ay kumilos nang buong tapang
  5. Salomo omistaa temppelin
  6. Aloita Nooan uusi maailma
  7. Peter ja John Ennen Sanhedrin
  8. Meidän täytyy totella Jumalaa
  • Lisenssitiedot
  • Privacy
  • Ota yhteyttä
  • Artistit
1 800 805.8001
© 2026       Lahat ng mga larawan at media na naka-copyright ng GoodSalt, Inc. at/o mga nag-ambag nito. Lahat ng Karapatan ay Nakalaan.
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어