1 Jesus looked up and saw the rich putting their gifts into the offering box,2 and he saw a poor widow put in two small copper coins.3 And he said, “Truly, I tell you, this poor widow has put in more than all of them.4 For they all contributed out of their abundance, but she out of her poverty put in all she had to live on.”
Mark 12
41 At nang umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman, nakita niya kung paano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Marami ring mayaman ang naghulog ng maraming salapi.42 Sa paglapit ng dukhang babaing balo, naghulog siya ng dalawang lepta° na halos katumbas ng sentimo°.43 At nang pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang dukhang babaing balong ito ang naghulog ng higit kaysa sa lahat ng mga naghulog sa kaban ng yaman44 sapagkat lahat ay naghulog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat ng kaniyang mga tinatangkilik, kahit ang kaniyang buong kabuhayan.”