Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
GoodSalt™
Etsi
Tili
Ostoskori
  • Account
  • Lightbox
  • Sign In
  • Sign Up
GoodSalt™
Ang pinuno ng mundo sa relihiyosong imahe.
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Etsi
Advanced Options ▼
Skip to the end of the images gallery
Jumala kutsuu Paul West
Skip to the beginning of the images gallery

Jumala kutsuu Paul West

Tuote
ID ID
prcas0397
Taiteilija
Providence Collection
Kuvan tiedot
More Information
Secondary Keywords diyos   kanluran   kasaysayan   pagkawasak ng barko   paglalakbay   pahimakas   Paul   Roma   Tawag   Uusi uusi uusi  
Mga Banal na Kasulatan
Gawa 13   Gawa 20  

Acts 13

1 Naroroon sa iglesiya na nasa Antioquia ang ilang mga propeta at mga guro, katulad ni Bernabe, ni Simeon na tinatawag na Negro, ni Lucio na taga-Cerene, ni Manaen na kinakapatid ni Herodes na tetrarka at ni Saulo. 2 At habang sila ay naglilingkod sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu, “Ibukod nga ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo para sa gawain kung saan sila ay tinawag ko na.” 3 Pagkatapos nilang nag-ayuno, nanalangin at ipinatong ang kanilang mga kamay kina Bernabe at Saulo, sila ay kanilang pinahayo. 4 Pagkatapos nga silang isugo ng Banal na Espiritu, sila ay lumusong sa Seleucia, at mula roon ay naglayag sila patungo sa Cyprus. 5 At nang sila ay nasa Salamis, ipinangaral nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan bilang tagapaglingkod. 6 At nang nakadaan na sila sa buong pulo hanggang sa Pafos, natagpuan nila ang isang salamangkero na bulaang propeta at isang Judio na ang pangalan ay Bar-Jesus. 7 Siya ay kasama ng gobernador na si Sergio Paulo na isang lalaking matalino na nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo dahil hinangad niyang mapakinggan ang salita ng Diyos. 8 Subalit hinadlangan sila ni Elimas na salamangkero (sapagkat iyon ang kahulugan ng kaniyang pangalan), sa pamamagitan ng pagsisikap na mailihis ang gobernador mula sa pananampalataya. 9 Ngunit si Saulo na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Banal na Espiritu at nakatitig sa kaniya, 10 ay nagsabi, “O, anak ng diyablo, na puspos ng lahat ng pandaraya at ng lahat ng panlilinlang at kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka ba titigil sa paglihis sa mga daang matuwid ng Panginoon? 11 At ngayon, narito, ang kamay ng Panginoon ay laban sa iyo at mabubulag ka. Hindi mo makikita ang araw sa ilang panahon.” Kaagad na bumaba sa kaniya ang ulap at ang kadiliman. At siya ay naglilibot na naghahanap ng aakay sa kaniya. 12 Nang magkagayon, nang nakita ng gobernador ang nangyari, siya ay sumampalataya na namamangha sa katuruan ng Panginoon. 13 Nang nakapaglayag si Pablo at ang kaniyang mga kasama mula sa Pafos, sila ay umabot sa Perga ng Pamfilia, ngunit iniwan sila ni Juan at siya ay bumalik sa Jerusalem. 14 At nang sila ay dumaan sa Perga, dumating sila sa Antioquia ng Pisidia at sa pagpasok nila sa sinagoga sa araw ng Sabat, sila ay umupo. 15 Pagkatapos ng pagbasa ng aklat ng Kautusan at ng mga aklat ng mga Propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagsugo sa kanila, na sinabi, “Mga ginoo at mga kapatid, kung mayroon kayong salita na makakapagpalakas ng loob sa mga tao, magsalita kayo.” 16 Kaya tumayo si Pablo at naghudyat ng kamay at sinabi, “Mga ginoong taga-Israel at kayong mga may takot sa Diyos, makinig kayo. 17 Ang Diyos ng bayang ito ng Israel ang pumili sa ating mga ninuno at pinarangalan niya ang bayan nang sila ay nakipamayan bilang dayuhan sa lupain ng Egipto, at sila ay kaniyang inilabas mula roon sa pamamagitan ng matayog na bisig. 18 At sa loob ng halos apatnapung taon ay pinagtiisan niya ang kanilang mga pag-uugali roon sa ilang. 19 At nang mapabagsak niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinamahagi niya ang lupain sa kanila bilang pamana. 20 “At pagkatapos ng mga bagay na ito, siya ay nagbigay ng mga hukom sa loob ng halos apatnaraan at limampung taon hanggang kay Samuel na propeta. 21 At pagkatapos ay humingi sila ng hari, at ibinigay ng Diyos sa kanila sa loob ng apatnapung taon si Saulo na anak ni Kis na lalaking mula sa angkan ni Benjamin. 22 At nang siya ay inalis, itinindig ng Diyos para sa kanila si David upang maging hari, na siya rin ang pinatotohanan niya na sinabi, ‘Natagpuan ko si David na anak ni Jesse, isang lalaking ayon sa aking puso na siyang gagawa ng lahat ng aking kalooban.’ 23 Mula sa binhi ng taong ito, ayon sa kaniyang pangako, itinindig ng Diyos sa Israel si Jesus na Tagapagligtas. 24 Bago siya dumating ay nangaral muna si Juan ng bawtismo ng pagsisisi sa lahat ng mga tao sa Israel. 25 Ngunit habang ginaganap na ni Juan ang kaniyang tungkulin, sinabi niya, ‘Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Cristo. Subalit narito, may isang dumarating na kasunod ko na hindi ako karapat-dapat magkalag ng panyapak ng kaniyang mga paa.’ 26 “Mga ginoo at mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham at kayo na mga may takot sa Diyos, ang salita ng kaligtasang ito ay ipinadala sa inyo, 27 sapagkat ang mga naninirahan sa Jerusalem at ang kanilang mga pinuno ang tumupad sa mga paghatol sa kaniya, dahil siya ay hindi nila kinilala, at ang mga tinig ng mga propeta ayon sa kanilang binabasa tuwing araw ng Sabat. 28 Bagaman walang makitang anumang dahilan ng kaniyang kamatayan, hiniling nila kay Pilato na siya ay patayin. 29 At nang naganap nila ang lahat ng mga nakasulat patungkol sa kaniya, pagkatapos siyang ibaba mula sa kahoy, siya ay kanilang inilagay sa libingan. 30 Subalit ang Diyos ang nagbangon sa kaniya mula sa mga patay. 31 Sa loob ng maraming araw, siya ay nakita ng mga kasama niyang umahon mula sa Galilea patungo sa Jerusalem. Sila ang kaniyang mga saksi sa mga tao. 32 At kami ay nangaral sa inyo ng ebanghelyo na pangakong ginawa para sa ating mga ninuno 33 sapagkat ito ay tinupad ng Diyos sa atin na kanilang mga anak nang muli niyang ibinangon si Jesus ayon din sa nasusulat sa ikalawang Awit, ‘Ikaw ang aking Anak. Sa araw na ito ay ipinanganak kita.’ Awi 2:7 34 At patungkol sa pagbangon ng Diyos sa kaniya mula sa mga patay, upang hindi na babalik sa pagkabulok, ay nagsalita siya ng ganito, ‘Ibibigay ko sa iyo ang mga tapat na kahabagan ni David.’ Isa 55:3 35 Kaya sinabi rin niya sa ibang Awit, ‘Hindi mo hahayaan na ang iyong Banal ay makakita ng pagkabulok.’ Awi 16:10 36 “Sapagkat pagkatapos ngang paglingkuran ni David ang kaniyang sariling lahi ayon sa kalooban ng Diyos, siya ay namatay at inilibing sa piling ng kaniyang mga ninuno at nakakita ng pagkabulok. 37 Subalit si Jesus na muling ibinangon ng Diyos ay hindi nakakita ng pagkabulok. 38 Kaya mga ginoo at mga kapatid, dapat ninyo itong alamin na sa pamamagitan niya, ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan. 39 At sa pamamagitan niya, pinapawalang-sala ang lahat ng sumasampalataya mula sa lahat ng mga bagay na hindi kayo maaring mapawalang-sala ng Kautusan ni Moises. 40 Mag-ingat nga kayo, na huwag nawang mangyari sa inyo ang mga inihayag na sa mga Propeta, 41 ‘Narito, kayong mga mapanghamak, mamangha kayo at maglaho sapagkat ang gawaing aking ginagawa sa inyong mga araw ay isang gawaing hinding-hindi ninyo mapapaniwalaan kahit na may taong magsasalaysay sa inyo.’ ” Hab 1:5 42 At pagkaalis nila mula sa sinagoga ng mga Judio, ang mga Gentil ay nagsumamo na ipangaral sa kanila ang mga salitang ito sa susunod na araw ng Sabat. 43 Ngunit nang makaalis na ang mga nasa sinagoga, marami sa mga Judio at sa mga matatapat na nagbago ng paniniwala ang sumunod kina Pablo at Bernabe, na sa pakikipag-usap sa kanila ay humimok sa kanila na manatili sa biyaya ng Diyos. 44 At sa sumunod na araw ng Sabat, halos ang buong lungsod ay nagkatipon upang pakinggan ang salita ng Diyos. 45 Subalit nang nakita ng mga Judio ang napakaraming tao, sila ay napuspos ng inggit at nagsalita laban sa mga bagay na sinasabi ni Pablo. Sila ay sumasalungat at lumalapastangan. 46 Ngunit si Pablo at Bernabe ay buong tapang na nagsabi, “Kinakailangang sa inyo muna sabihin ang salita ng Diyos, ngunit yamang itinakwil ninyo ito at hinahatulan ninyo ang inyong mga sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, narito, kami ay bumabaling sa mga Gentil, 47 sapagkat sa ganitong paraan ay iniutos sa amin ng Panginoon, ‘Itinalaga na kita upang maging ilaw para sa kaligtasan ng mga Gentil hanggang sa kadulu-duluhan ng daigdig.’ ” Isa 49:6 48 At nang narinig ito ng mga Gentil, sila ay nagalak at niluwalhati ang salita ng Panginoon, at ang sinumang naitalaga na sa buhay na walang hanggan ay sumampalataya. 49 Kaya ang salita ng Panginoon ay lumalaganap sa buong lupain. 50 Subalit inudyukan ng mga Judio ang mga nagsisisamba at kagalang-galang na mga babae at ang mga pangunahing lalaki sa lungsod, at sila ay nagsimula ng pagmamalupit laban kay Pablo at Bernabe at sila ay pinalayas sa kanilang lupain. 51 Kaya nang naipagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, sila ay pumunta sa Iconio. 52 At ang mga alagad ay napuspos ng kagalakan at ng Banal na Espiritu.

Acts 20

1 Pagkatapos tumigil ang kaguluhan, tinawag ni Pablo ang mga alagad, at nang siya ay nakapagpaalam, siya ay umalis papunta sa Macedonia. 2 Nang siya ay nakarating sa mga dakong iyon, pinalakas niya ang kanilang mga kalooban sa pamamagitan ng maraming salita at siya ay pumunta sa Grecia 3 at nanatili roon ng tatlong buwan. At nang nagkaroon ng sabwatan ang mga Judio laban sa kaniya nang malapit na ang kaniyang paglalayag patungong Siria, siya ay nagpasyang bumalik upang dumaan sa Macedonia. 4 At sinamahan siya hanggang sa Asya ni Sopatro na taga-Berea, nina Aristarco at Segundo na mga taga-Tesalonica, ni Gayo na taga-Derbe, at ni Timoteo, at nina Tiquico at Trofimo na mga taga-Asya. 5 Sila ay nauna at naghintay sa amin sa Troas. 6 At pagkatapos ng kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, kami ay naglayag mula sa Filipos at nakarating sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw kung saan kami ay nanatili ng pitong araw. 7 At sa unang araw ng sanlinggo, nang nagkatipon ang mga alagad upang magputul-putol ng tinapay, si Pablo ay nakipagpaliwanagan sa kanila dahil siya ay papaalis na kinabukasan. Tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi. 8 At mayroong maraming ilaw sa silid sa itaas na pinagtipunan nila. 9 At may isang binata na ang pangalan ay Eutico ang nakaupo sa bintana na nakatulog ng mahimbing. Sa haba ng pakikipagpaliwanagan ni Pablo, lalong napahimbing ang kaniyang tulog at siya ay nahulog pababa mula sa ikatlong palapag at patay na siya nang mabuhat. 10 Ngunit nanaog si Pablo, dumapa sa ibabaw niya, kaniyang niyakap at sinabi, “Huwag kayong magkagulo sapagkat nasa kaniya pa ang kaniyang buhay.” 11 Pagkatapos niyang pumanhik, siya ay nakipagputul-putol ng tinapay at kumain. Siya ay nakipag-usap pa ng matagal hanggang sa pagsikat ng araw at pagkatapos siya ay umalis. 12 At iniuwi nilang buhay ang binata at sila ay naaliw ng lubos. 13 Ngunit kami ay nauna sa barko at naglayag patungong Asos at doon namin binabalak na pasakayin si Pablo sapagkat gayon ang kaniyang iniutos dahil binabalak niyang maglakad. 14 At nang siya ay sumalubong sa amin sa Asos, siya ay isinakay namin at kami ay pumunta sa Mitilene. 15 At nang kami ay nakapaglayag mula roon, kinabukasan ay dumating kami sa tapat ng Chios. At sa sumunod na araw, kami ay dumaong sa Samos at nanatili kami sa Trogilium. Kinabukasan, kami ay dumating sa Mileto 16 sapagkat si Pablo ay nagpasya na maglayag malapit sa Efeso upang huwag na siyang makagugol ng panahon sa Asya dahil siya ay nagmamadali, na kung maaari siya ay naroroon sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes. 17 At mula sa Mileto ay nagsugo siya sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa iglesiya. 18 At pagkarating nila sa kaniya ay kaniyang sinabi sa kanila, “Nalalaman ninyo simula pa sa unang araw na tumungtong ako sa Asya, kung papaano akong namuhay kasama ninyo sa lahat ng panahon. 19 Ako ay naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba at ng maraming luha at ng mga pagsubok na nangyari sa akin sa pamamagitan ng mga pagsasabwatan ng mga Judio, 20 kung paanong wala akong ipinagkait na anumang bagay na kapaki-pakinabang sa inyo, kundi upang ipahayag sa inyo at turuan kayo ng hayagan at sa mga bahay-bahay, 21 na masikap kong pinatototohanan ang pagsisisi sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo, kapwa sa mga Judio at mga Griyego. 22 Ngayon, narito, dahil ako ay bihag na sa espiritu, ako ay patutungo sa Jerusalem na hindi alam ang mga bagay na mangyayari sa akin doon, 23 maliban na ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo sa bawat lungsod, na sinasabing ang mga tanikala at mga paghihirap ang naghihintay sa akin. 24 Subalit wala akong ipinag-aalala sa salitang ito, ni itinuturing ko ang aking buhay na mahalaga sa aking sarili, upang maganap kong may kagalakan ang aking takbuhin at ang paglilingkod na tinanggap ko sa Panginoong Jesus, ang patotohanan ang ebanghelyo ng biyaya ng Diyos. 25 “Ngayon, narito, alam ko na kayong lahat na pinuntahan ko at pinangaralan ng paghahari ng Diyos ay hindi na makikita pa ang aking mukha. 26 Dahil dito, pinatototohanan ko sa inyo sa araw na ito, na wala akong pananagutan sa dugo ng lahat ng mga tao 27 sapagkat hindi ako nagkulang na ipahayag sa inyo ang buong kalooban ng Diyos. 28 Kaya ingatan ninyo ang inyong mga sarili at ang buong kawan, kung saan ang Banal na Espiritu ang nagtalaga sa inyo bilang tagapangasiwa upang pangalagaan ang iglesiya ng Diyos na kaniyang binili sa pamamagitan ng sarili niyang dugo 29 sapagkat alam ko ito, na sa aking pag-alis, kayo ay papasukin ng mababangis na mga lobo na hindi kinakaawaan ang kawan. 30 Mula rin sa inyong mga kasamahan ay titindig ang mga lalaking magsasalita ng mga bagay na lihis upang ilayo ang mga alagad para sumunod sa kanila. 31 Dahil dito, magbantay kayo at alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon, sa gabi at araw, ay hindi ako tumigil sa pagbibigay babala sa bawat isa nang may mga luha. 32 “Ngayon mga kapatid, inihahabilin ko kayo sa Diyos at sa salita ng kaniyang biyaya na siyang may kakayanang magpatibay sa inyo at magbigay sa inyo ng pamana, kasama ang lahat ng mga pinaging-banal na. 33 Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o ang pananamit ng sinuman. 34 At kayo mismo ang nakakaalam na ang mga kamay na ito ang gumawa para sa aking mga pangangailangan at para sa aking mga kasamahan. 35 Ipinakita ko sa inyo ang lahat ng mga bagay na sa ganitong pagpapagal ay dapat na tulungan ang mga mahihina at alalahanin ang salita ng Panginoong Jesus, na kaniyang sinabi, ‘Higit na pinagpala ang magbigay kaysa sa tumanggap.’ ” 36 Pagkasabi niya ng mga bagay ito, siya ay lumuhod at nanalangin kasama silang lahat. 37 At nagkaroon ng labis na pagdalamhati ang lahat, at sa pagyakap nila kay Pablo, siya ay magiliw nilang hinalikan, 38 at ang higit nilang ikinalungkot ay ang salita na kaniyang sinabi, na nalalapit nang hindi na nila makita ang kaniyang mukha. At siya ay inihatid nila sa barko.

Tiedoston enimmäiskoko
Lapad
5855
Taas
7728
₱243.52
Special Galleries
Good Soil Print Gallery
GoodSalt Gallery
Nature Photography Gallery
Steve Creitz Select
Seasonal
Harry Anderson Select

Tarjoamme merkittäviä volyymilisensointialennuksia.
Onko kysyttävää? Soita 800-805-8001 or +1 208-455-5659 ja pyydä tarjous. Työskentelemme budjettisi mukaan.

Post To Feed Pin It
Valolaatikko
Aiheeseen liittyvät kuvat
  1. Naaksidente sa Barko si Paul
  2. Uusi taivas, uusi maa
  3. Paul uusi uskovainen
  4. Barnabas ja Paavali rohkaisevat uusia kristittyjä
  5. Salomo omistaa temppelin
  6. Aloita Nooan uusi maailma
  7. Pinagaling ni Pablo ang Ama ni Publius
  8. Aabraham meni uuteen maahan
  • Lisenssitiedot
  • Privacy
  • Ota yhteyttä
  • Artistit
1 800 805.8001
© 2026       Lahat ng mga larawan at media na naka-copyright ng GoodSalt, Inc. at/o mga nag-ambag nito. Lahat ng Karapatan ay Nakalaan.
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어