Kristus kävelee merellä
| Secondary Keywords | dagat himala Jeesus Jeesus Joulu kalagayan pahimakas palakad Uusi uusi uusi vettä vettä |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 615 Nang nalaman nga ni Jesus ang binabalak nilang paglapit at pagsunggab sa kaniya upang gawin siyang hari, siya ay muling umalis na nag-iisa patungo sa bundok. 16 At nang sumapit na ang takipsilim, lumusong sa dagat ang kaniyang mga alagad 17 at sila ay sumakay sa bangka papunta sa kabilang ibayo ng dagat patungo sa Capernaum. Noon ay madilim na at hindi pa dumating si Jesus sa kanila. 18 Umihip ang napakalakas na hangin sa dagat kaya lumaki ang mga alon. 19 Kaya nang nakapagsagwan na sila ng may dalawampu't lima o tatlumpong estadya°, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat papalapit sa bangka at sila ay natakot. 20 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Ako ito, huwag kayong matakot.” 21 Kaya siya ay malugod nilang tinanggap sa bangka at dumating kaagad ang bangka sa lupa kung saan sila papunta. Mark 645 At inutusan kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumakay sa bangka at upang mauna sa kabilang ibayo patungong Betsaida hanggang sa mapauwi niya ang napakaraming tao. 46 At nang sila ay napaluwas niya, siya ay umahon sa bundok upang manalangin. 47 At pagsapit ng gabi, ang bangka ay nasa gitna ng dagat, ngunit si Jesus ay nag-iisa sa lupa. 48 At nakita niyang nahihirapan sila sa pagsagwan sapagkat pasalungat ang hangin sa kanila. Nang malapit na ang ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat at ibig niyang lagpasan sila. 49 Subalit pagkakita nila sa kaniya na naglalakad sa ibabaw ng dagat ay inakala nilang ito ay multo at sila ay sumigaw 50 sapagkat siya ay nakita nilang lahat at sila ay nabalisa. Subalit kaagad siyang nagsalita sa kanila at sinabi sa kanila, “Lakasan ninyo ang inyong loob. Ako ito, huwag kayong matakot.” 51 Siya ay sumakay sa kanilang bangka kaya humupa ang hangin at labis-labis silang nanggilalas at namangha 52 sapagkat hindi nila naunawaan ang patungkol sa mga tinapay dahil tumigas na ang kanilang puso. 53 At nang sila ay nakatawid na, dumating sila sa lupain ng Genesaret at dumaong sa dalampasigan. 54 Nang nakababa sila mula sa bangka, si Jesus ay nakilala kaagad ng mga tao. Matthew 1422 At inutusan kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumakay sa bangka at mauna sa kaniya sa kabilang ibayo hanggang sa mapauwi niya ang napakaraming tao. 23 At nang napaalis na niya ang napakaraming tao, siya ay umahon sa bundok na nag-iisa upang manalangin. At nang sumapit na ang gabi, siya ay mag-isa roon, 24 ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat na sinasalpok ng malalakas na alon sapagkat ang hangin ay pasalungat. 25 At sa ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat. 26 At nang siya ay nakita ng mga alagad na naglalakad sa ibabaw ng dagat, sila ay nabalisa na sinasabi, “Ito ay multo!” At sila ay sumigaw dahil sa takot. 27 Ngunit nagsalita kaagad si Jesus sa kanila na sinasabi, “Lakasan ninyo ang inyong loob, ako ito, huwag kayong matakot.” 28 Kaya sumagot sa kaniya si Pedro na nagsasabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo ako na pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.” 29 At sinabi niya, “Halika.” At si Pedro ay bumaba mula sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin siya ay natakot at nagsimula nang lumubog, kaya siya ay sumigaw na nagsasabi, “Panginoon, iligtas mo ako.” 31 Kaya kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya at sinabi sa kaniya, “Ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?” 32 At nang sila ay nakasakay na sa bangka, humupa ang hangin. 33 Kaya sila na nasa bangka ay lumapit at sumamba kay Jesus na sinasabi, “Totoong ikaw ang Anak ng Diyos.” |