Kristus Getsemanessa
| Avainsanat | Getsemani Jeesus Jeesus Pasko ng Pagkabuhay |
|---|---|
| Secondary Keywords | Joulu nanalangin pahimakas silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi |
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 2239 At nang si Jesus ay lumabas, siya ay pumunta sa bundok ng mga Olibo ayon sa kinaugalian at ang kaniyang mga alagad ay sumunod din sa kaniya. 40 At pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa tukso.” 41 At siya ay napahiwalay sa kanila na kasing-layo ng isang pukol ng bato at pagkaluhod niya, siya ay nanalangin 42 na sinasabi, “Ama, kung gugustuhin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunpaman, hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.” 43 At nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit na nagpapalakas sa kaniya. 44 At sa kaniyang matinding pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim at ang pawis niya ay naging katulad ng namuong dugo na pumapatak sa lupa. 45 At nang siya ay tumindig pagkatapos manalangin at pumunta sa kaniyang mga alagad, sila ay natagpuan niyang natutulog dahil sa kalungkutan. 46 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo. Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa tukso.” Mark 1432 Sila ay dumating sa lugar na ang pangalan ay Getsemane at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo rito habang ako ay nananalangin.” 33 At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan, at nagsimula siyang labis na mangamba at labis na mabagabag. 34 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay kayo.” 35 Nang siya ay nakalayo nang kaunti, siya ay nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lumagpas sa kaniya ang oras na ito. 36 Sinabi niya, “Abba, Ama, ang lahat ng mga bagay ay magagawa mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi kung ano ang ninanais ko kundi kung ano ang kalooban mo.” 37 At pinuntahan niya ang mga alagad at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka? Hindi mo ba kayang magbantay nang isang oras? 38 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.” 39 At nang siya ay muling umalis, siya ay nanalangin na sinasabi ang gayunding salita. 40 At sa kaniyang pagbalik, sila ay muli niyang natagpuang natutulog sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata, at hindi nila alam kung ano ang kanilang isasagot sa kaniya. 41 At siya ay pumunta sa ikatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, “Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Sapat na iyan. Ang oras ay dumating na. Narito, ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. 42 Bumangon na kayo, aalis na tayo. Narito, siya na nagkakanulo sa akin ay malapit na.” |