18 At habang sila ay nakadulog at kumakain, sinabi ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang isa sa inyo na kumakaing kasalo ko ay ipagkakanulo ako.”19 At sila ay nagsimulang malungkot kaya isa-isa silang nagsabi sa kaniya, “Ako ba?” at ang iba ay nagsabi, “Ako ba?”20 Ngunit nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Ang isa sa labindalawa, siya na kasabay kong magsawsaw sa mangkok.21 Ang Anak ng Tao nga ay papanaw ayon sa nasusulat patungkol sa kaniya subalit sa aba ng taong iyon na sa pamamagitan niya ay maipagkakanulo ang Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi siya naipanganak.”
Matthew 26
21 At habang sila ay kumakain, sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”22 At sila ay labis na namighati at ang bawat isa sa kanila ay nagsimulang magsabi sa kaniya, “Panginoon ako ba?”23 Siya ay sumagot at sinabi, “Siya na magsawsaw ng kamay sa mangkok kasabay ko, siya ang magkakanulo sa akin.24 Ang Anak ng Tao nga ay humahayo ayon sa nakasulat patungkol sa kaniya. Ngunit sa aba ng taong iyon na sa pamamagitan niya ay ipinagkakanulo ang Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya ipinanganak.”25 At sumagot si Judas, siya na nagkakanulo kay Jesus, “Rabbi, ako ba?” Sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi.”