2 At ang mga bagay na iyong narinig mula sa akin sa harapan ng maraming saksi, ang mga ito ay ipagkatiwala mo sa mga matapat na lalaki na makakapagturo naman sa iba.
Acts 13
47 sapagkat sa ganitong paraan ay iniutos sa amin ng Panginoon, ‘Itinalaga na kita upang maging ilaw para sa kaligtasan ng mga Gentil hanggang sa kadulu-duluhan ng daigdig.’ ” Isa 49:6
Colossians 3
16 Hayaan ninyo na ang salita ni Cristo ay manahan sa inyo nang may kasaganaan sa lahat ng karunungan, sa pagtuturo at sa pagpapaalala sa bawat isa sa mga salmo, sa mga himno at sa mga awiting espirituwal. Umawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Panginoon.
Matthew 24
14 At itong ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay maipapahayag sa buong sanlibutan bilang patotoo sa lahat ng mga bansa at pagkatapos nito ay darating ang wakas.
Matthew 28
20 na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anuman ang aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito.” Siya nawa!