20 At sinabi niyang muli, “Sa ano ko ihahambing ang paghahari ng Diyos?21 Ito ay katulad ng pampaalsa na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal° na harina hanggang sa napaalsa nito ang lahat.”
Matthew 13
33 Isa pang talinghaga ang sinabi niya sa kanila, “Ang paghahari ng langit ay katulad sa pampaalsa na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal° na harina hanggang sa napaalsa nito ang lahat.”34 Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa napakaraming mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga at bukod sa talinghaga ay wala na siyang sinabi sa kanila.35 upang matupad ang ipinahayag sa pamamagitan ng propeta na sinasabi, “Ibubuka ko ang aking bibig sa pamamagitan ng mga talinghaga at bibigkasin ko ang mga bagay na nakatago mula sa pagkatatag ng sanlibutan.” Awi 78:2