55 Sila ay tumakbo sa palibot ng buong lupaing iyon at sinimulan nilang dalhin ang mga mayroong sakit na nakaratay sa higaan, saan man nila nababalitaan na naroroon siya.56 At saan man siya pumapasok, sa mga nayon, sa mga lungsod o sa mga karatig pook man, inilalagay nila sa mga pamilihan ang mga maysakit at ipinamamanhik nila sa kaniya na kung maari ay mahawakan nila ang laylayan ng kaniyang kasuotan at ang sinumang nakakahawak nito ay napapagaling.
Matthew 14
34 At nang sila ay nakatawid na, dumating sila sa lupain ng Genesaret.35 Nang siya ay nakilala ng mga kalalakihan sa lugar na iyon, ipinamalita nila sa lahat ng lupaing nakapalibot at dinala nila sa kaniya ang lahat ng mga maysakit.36 Isinamo nila sa kaniya na mahawakan man lang sana nila ang laylayan ng kaniyang damit. At ang bawat isang humawak nito ay gumaling nang lubos.