Johannes Kastajan saarnaaminen
| Secondary Keywords | Bautista Jeesus Jeesus Juan kaibigan pahimakas pangangaral Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 31 At sa ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio Cesar, habang ang gobernador sa Judea ay si Pontio Pilato, at ang tetrarka sa Galilea ay si Herodes, at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Felipe ang tetrarka sa Iturea at sa lalawigan ng Traconite, at ang tetrarka sa Abilinia ay si Lisanias, 2 at sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong saserdote, ang salita ng Diyos ay dumating sa ilang kay Juan na anak ni Zacarias. 3 Siya ay pumunta sa buong lupain sa palibot ng Jordan na ipinapangaral ang bawtismo ng pagsisisi dahil sa kapatawaran ng mga kasalanan. 4 Ganito ang nasusulat sa aklat ng mga salita ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas. 5 Ang bawat bangin ay tatambakan at ang bawat bundok at burol ay papatagin at ang mga liko ay gawing matuwid at ang mga baku-bako ay gawing pantay na mga daan. 6 At makikita ng lahat ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ” Isa 40:3-5 7 Kaya sinabi niya sa napakaraming tao na lumabas upang magpabawtismo sa kaniya, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas mula sa poot na dumarating? 8 Kaya kayo ay mamunga ng mga bunga na karapat-dapat sa pagsisisi. At huwag kayong magsimulang magsabi sa inyong sarili, ‘Mayroon kaming Ama, si Abraham.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na makakaya ng Diyos na magtindig ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito. 9 Ngunit ngayon din ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Kaya ang bawat punongkahoy na hindi namumunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.” 10 At siya ay tinanong ng napakaraming tao na sinasabi, “Ano ngayon ang aming gagawin?” 11 At siya ay sumagot na sinasabi sa kanila, “Magbahagi ang may dalawang tunika sa kaniya na wala at gayundin ang gawin ng may mga pagkain.” 12 At dumating din ang mga maniningil ng buwis upang magpabawtismo, at kanilang sinabi sa kaniya, “Guro, ano ang aming gagawin?” 13 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil ng buwis nang higit sa nakatakda sa inyong sinisingil.” 14 At ang mga kawal ay nagtanong sa kaniya na sinasabi, “At kami, ano ang aming gagawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangingikil, ni magpaparatang kaninuman. Masiyahan kayo sa inyong sahod.” 15 Ngunit habang ang mga tao ay umaasa at ang lahat ay nagmumuni-muni sa kanilang mga puso patungkol kay Juan kung siya nga ang Cristo o hindi, 16 si Juan ay sumagot sa kanilang lahat na sinasabi, “Binabawtismuhan ko nga kayo sa tubig, ngunit dumarating ang isang higit na dakila kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak. Kayo ay babawtismuhan niya ng Banal na Espiritu at ng apoy. 17 Ang pantahip ay nasa kaniyang kamay at lilinisin niya nang lubusan ang kaniyang giikan. Kaniyang titipunin ang trigo sa kaniyang kamalig subalit ang ipa ay kaniyang tutupukin sa apoy na hindi namamatay.” 18 Kaya nga, kahit sa maraming iba pang mga bagay ay kaniyang ipinapangaral ang ebanghelyo sa mga tao sa pamamagitan ng pagsusumamo. Mark 12 As it is written in Isaiah the prophet, “Behold, I send my messenger before your face, who will prepare your way, 3 the voice of one crying in the wilderness: ‘Prepare the way of the Lord, make his paths straight,’” 4 John appeared, baptizing in the wilderness and proclaiming a baptism of repentance for the forgiveness of sins. 5 And all the country of Judea and all Jerusalem were going out to him and were being baptized by him in the river Jordan, confessing their sins. 6 Now John was clothed with camel's hair and wore a leather belt around his waist and ate locusts and wild honey. 7 And he preached, saying, “After me comes he who is mightier than I, the strap of whose sandals I am not worthy to stoop down and untie. 8 I have baptized you with water, but he will baptize you with the Holy Spirit.” Matthew 31 At sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na tagapagbawtismo na nangangaral sa ilang ng Judea, 2 at nagsasabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.” 3 Sapagkat siya yaong ipinahayag ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang landas ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas.’ ” Isa 40:3 4 At si Juan mismo ay may damit na yari sa mga balahibo ng kamelyo at may pamigkis na balat ng hayop sa kaniyang baywang. At ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulut-pukyutan. 5 Sa panahong iyon ay pumunta sa kaniya ang mga tao sa Jerusalem at ang buong Judea at ang buong lupain sa palibot ng Jordan, 6 at sila ay nagpabawtismo sa kaniya sa ilog Jordan, na ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan. 7 Ngunit nang nakita niya ang marami sa mga Fariseo at sa mga Saduseo na dumarating para sa kaniyang bawtismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas mula sa poot na dumarating? 8 Kaya kayo ay mamunga ng mga bunga na karapat-dapat sa pagsisisi. 9 At huwag ninyong isipin na sabihin sa inyong mga sarili, ‘Mayroon kaming ama, si Abraham.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na makakaya ng Diyos na magtindig ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito. 10 Ngunit ngayon din ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Kaya ang bawat punongkahoy na hindi namumunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy. 11 Ako nga ang nagbabawtismo sa inyo sa tubig para sa pagsisisi, ngunit siya na dumarating na kasunod ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin, na hindi ako karapat-dapat na magdala ng kaniyang pangyapak. Siya ang magbabawtismo sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at sa pamamagitan ng apoy. 12 Ang kaniyang pantahip ay nasa kaniyang kamay at kaniyang lilinisin nang lubos ang kaniyang giikan at titipunin ang kaniyang trigo sa loob ng kamalig, ngunit ang ipa ay kaniyang tutupukin sa apoy na hindi namamatay.” |