Erikoinen paratiisi
| Avainsanat | Jeesus Jeesus Jerusalem Pasko ng Pagkabuhay |
|---|---|
| Secondary Keywords | espesyal matangloy pagpasok pahimakas parada silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi |
| Mga Banal na Kasulatan | John 1212 Kinabukasan, nang narinig nila na si Jesus ay paparating sa Jerusalem, maraming mga tao na nanggaling sa kapistahan 13 ang kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang salubungin siya at sumigaw, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon,’ Awi 118:25-26 ang Hari ng Israel!” 14 Nang natagpuan ni Jesus ang isang batang asno, sumakay siya rito kagaya ng nasusulat, 15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion! Narito, ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro.” Zak 9:9 16 Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito: subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka lamang nila naalala na ang mga bagay na ito ay nasusulat patungkol sa kaniya at ginawa nila ang mga bagay na ito sa kaniya. 17 Kaya nga, nagpatotoo ang maraming tao na nakasama niya nang kaniyang tawagin si Lazaro mula sa libingan at ibinangon mula sa mga patay. 18 Dahil dito, sumalubong sa kaniya ang maraming tao sapagkat narinig nila na siya ang gumawa ng tanda na ito. 19 Sinabi nga ng mga Fariseo sa kanilang mga sarili, “Nakikita ninyo na wala kayong anumang napapala. Narito, sumusunod na sa kaniya ang sangkatauhan.” Luke 1928 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay naunang umahon sa Jerusalem. 29 At nangyari, na habang siya ay papalapit sa Betfage at Betania, patungo sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 30 na sinasabi, “Pumunta kayo sa nayon na nasa unahan ninyo. At pagpasok ninyo roon ay matatagpuan ninyo ang isang bisiro na nakatali na hindi pa nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 At kapag may magtatanong sa inyo, ‘Bakit ninyo siya kinalagan?’ Ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, ‘Dahil kailangan ito ng Panginoon.’ ” 32 Kaya nang nakaalis ang mga sinugo, natagpuan nila ang ayon sa kaniyang sinabi sa kanila. 33 At habang kinakalagan nila ang bisiro, ang mga may-ari nito ay nagsabi sa kanila, “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?” 34 At sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.” 35 At inakay nila ang bisiro patungo kay Jesus at ipinatong nila ng kanilang mga damit sa batang asno at pinasakay nila si Jesus. 36 At habang siya ay humahayo, inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan. 37 Ngunit nang siya ay papalapit na sa paanan ng bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming alagad ay nagsimulang magalak na nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga makapangyarihang gawa na nakita nila, 38 na sinasabi, “ ‘Papuri sa hari na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:26 Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataas-taasan!” 39 At ang ilan sa mga Fariseong mula sa napakaraming tao ay nagsabi sa kaniya, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.” 40 At siya ay sumagot na sinasabi sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo na kapag ang mga ito ay mapapatahimik, ang mga bato ay sisigaw.” 41 Nang siya ay nakalapit at nakita ang lungsod, ito ay tinangisan niya 42 na sinasabi, “At ikaw Jerusalem, kung nalaman mo, ikaw mismo, kahit man lang sa araw mong ito ang mga bagay na para sa iyong kapayapaan. Ngunit ngayon sila ay itinago sa iyong mga paningin 43 sapagkat darating sa iyo ang mga araw na ang mga kaaway mo ay maglalagay ng pangharang na lupa sa palibot mo. Papalibutan ka nila at kukubkubin ka nila sa bawat panig. 44 At ikaw ay papataging kapantay ng lupa kasama ng iyong mga anak, at wala silang iiwanang bato na nakapatong sa isang bato sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo.” Mark 111 At nang papalapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania, patungo sa bundok ng mga Olibo, isinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 2 at sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa nayong nasa unahan ninyo, at sa inyong pagpasok doon ay matatagpuan ninyo kaagad ang nakataling bisiro na hindi pa nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3 At kapag ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Bakit ninyo ginagawa ito?’ Sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon’ at iyon ay kaagad niyang ipapadala rito.” 4 At sila ay pumaroon at natagpuan ang nakataling bisiro sa labas ng pintuan sa magkasalubong na daan, at kinalagan nila ito. 5 Ang ilan sa mga nakatayo roon ay nagsabi sa kanila, “Ano ang ginagawa ninyo na kinakalagan ang bisiro?” 6 Kaya ang sinabi ng mga alagad sa kanila ay ang ayon sa iniutos ni Jesus at sila ay pinayagan nila. 7 At dinala nila ang bisiro kay Jesus, at isinapin nila sa ibabaw nito ang kanilang mga damit at sinakyan ito ni Jesus. 8 Kaya marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daan, at ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at inilatag ang mga ito sa daan. 9 Ang mga nauuna at ang mga sumusunod ay sumisigaw na sinasabi, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 10 Papuri sa dumarating na paghahari ng ating amang si David na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!” 11 At pumasok si Jesus sa Jerusalem at sa loob ng templo. Pagkatingin niya sa palibot sa lahat ng mga bagay, siya ay lumabas patungo sa Betania kasama ang labindalawa yamang sumasapit na ang gabi. Matthew 211 Now when they drew near to Jerusalem and came to Bethphage, to the Mount of Olives, then Jesus sent two disciples, 2 saying to them, “Go into the village in front of you, and immediately you will find a donkey tied, and a colt with her. Untie them and bring them to me. 3 If anyone says anything to you, you shall say, ‘The Lord needs them,’ and he will send them at once.” 4 This took place to fulfill what was spoken by the prophet, saying, 5 “Say to the daughter of Zion, ‘Behold, your king is coming to you, humble, and mounted on a donkey, and on a colt, the foal of a beast of burden.’” 6 The disciples went and did as Jesus had directed them. 7 They brought the donkey and the colt and put on them their cloaks, and he sat on them. 8 Most of the crowd spread their cloaks on the road, and others cut branches from the trees and spread them on the road. 9 And the crowds that went before him and that followed him were shouting, “Hosanna to the Son of David! Blessed is he who comes in the name of the Lord! Hosanna in the highest!” 10 And when he entered Jerusalem, the whole city was stirred up, saying, “Who is this?” 11 And the crowds said, “This is the prophet Jesus, from Nazareth of Galilee.” |