12 Hinuli nga si Jesus ng batalyon ng mga kawal, ng pinunong kapitan at ng mga opisyal ng mga pinuno ng mga Judio at siya ay kanilang ginapos.13 Siya ay dinala muna nila kay Anas na biyenang lalaki ni Caifas na pinakapunong saserdote ng taon ding iyon.14 Si Caifas ang nagbigay ng payo sa mga pinuno ng mga Judio na makabubuti na isang tao ang mamatay para sa mga tao.
John 18
19 Tinanong si Jesus ng pinakapunong saserdote patungkol sa kaniyang mga alagad at sa kaniyang katuruan.20 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Ako ay hayagang nagsalita sa sangkatauhan. Ako ay palaging nagtuturo sa sinagoga at sa templo na palaging pinagtitipunan ng mga Judio at wala akong sinabing lihim.21 Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo ang mga nakarinig sa akin kung ano ang sinabi ko sa kanila. Narito, alam nila ang sinabi ko.”22 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, isa sa mga opisyal na nakatayo ang sumampal kay Jesus. Sinabi niya, “Sa ganiyang paraan ka ba sumagot sa pinakapunong saserdote?”23 Sumagot sa kaniya si Jesus, “Kung masama ang aking sinabi, patunayan mo kung ito ay masama, subalit kung mabuti, bakit mo ako hinahampas?”