Jeesus koputtaa ovelle
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus john bakal Joulu katok pahimakas pinto Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 31 “At sa anghel ng iglesiya sa Sardis, isulat mo, ‘Ito ang mga sinasabi niyaong nagtataglay ng pitong Espiritu ng Diyos at ng pitong bituin, “Alam ko ang iyong mga gawa, na mayroon kang pangalan na ikaw ay nabubuhay ngunit ikaw ay patay. 2 Maging mapagbantay ka at patatagin mo ang mga bagay na natitira na malapit nang mamatay sapagkat hindi ko nasumpungan na ang inyong mga gawa ay ganap sa paningin ng Diyos. 3 Kaya alalahanin mo kung paano ka tumanggap at nakinig at tuparin mo ito at magsisi. Kapag hindi ka nga magbantay, ako ay darating sa iyo katulad ng magnanakaw at hinding-hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo. 4 Ikaw ay mayroong ilang pangalan na nasa Sardis na hindi dinungisan ang kanilang mga kasuotan at sila ay maglalakad kasama ko na nakaputi dahil sila ay karapat-dapat. 5 Siya na nagtatagumpay, siya ang daramtan ng maputing mga kasuotan at hinding-hindi ko buburahin ang kaniyang pangalan mula sa aklat ng buhay ngunit ihahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama at sa harapan ng kaniyang mga anghel. 6 “ ‘ “Siya na may pandinig, hayaan siyang makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.” ’ 7 “At sa anghel ng iglesiya sa Filadelfia, isulat mo, ‘Ang mga bagay na ito ang sinasabi niyaong Banal at niyaong Totoo, “Siya na nagtataglay ng susi ni David ang siyang nagbubukas at walang sinuman ang nagsasara, at nagsasara at walang sinuman ang nagbubukas. 8 Alam ko ang iyong mga gawa. Narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang nakabukas na at walang sinuman ang makakapagsara nito sapagkat kakaunti ang tinataglay mong lakas, ngunit tinupad mo ang aking salita at hindi mo ipinagkaila ang aking pangalan. 9 Narito, gagawin ko ang mga nagmula sa sinagoga ni Satanas, na nagsasabing sila ay mga Judio ngunit hindi naman subalit sila ay nagsisinungaling, narito, gagawin ko na sila ay makarating at sumamba sa harap ng iyong paanan upang malaman nila na iniibig kita. 10 Dahil tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, iingatan din kita mula sa panahon ng pagsubok na malapit nang dumating sa buong sanlibutan upang subukin yaong mga naninirahan sa daigdig. 11 Narito, ako ay darating kaagad. Panghawakan mo ang anumang iyong tinataglay upang walang sinumang makakakuha ng iyong putong. 12 Siya na nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa banal na dako ng templo ng aking Diyos at siya ay hinding-hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa galing sa langit mula sa aking Diyos, gayundin ang aking bagong pangalan. 13 “ ‘ “Siya na may pandinig, hayaan siyang makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.” ’ 14 “At sa anghel ng iglesiya ng mga taga-Laodicea, isulat mo, ‘Ito ang mga sinasabi niyaong Amen, ang matapat at totoong saksi, ang pasimula ng nilalang ng Diyos, 15 “Alam ko ang iyong mga gawa na ikaw ay hindi malamig o mainit. Ang nais ko sana ay maging malamig ka o mainit. 16 Yamang ikaw nga ay maligamgam at hindi malamig o mainit, malapit na kitang isuka mula sa aking bibig. 17 Dahil sinasabi mo, ‘Ako ay mayaman at ako ay naging mayaman na at ako ay hindi na nangangailangan ng anuman,’ hindi mo na alam na ikaw ay kahabag-habag, nakakaawa, dukha, bulag at hubad. 18 Pinapayuhan kita na bumili ka sa akin ng ginto na dinalisay sa apoy upang ikaw ay maging mayaman, bumili ka ng mapuputing mga damit upang ikaw ay mabihisan at hindi makita ang kahihiyan ng iyong kahubaran, at pahiran mo ang iyong mga mata ng pamahid sa mata upang ikaw ay makakita. 19 Ang lahat ng aking minamahal ay aking sinasaway at aking pinapalo, kaya magsumigasig ka at magsisi ka. 20 Narito, ako ay nakatayo na sa pintuan at kumakatok. Kapag dininig ng sinuman ang aking tinig at binuksan ang pinto, ako ay papasok sa kaniya at kakaing kasama niya at siya ay kasama ko. 21 Siya na nagtatagumpay, ipagkakaloob ko sa kaniya ang umupo na kasama ko sa aking trono kung paanong ako rin ay nagtagumpay at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang trono. 22 “ ‘ “Siya na may pandinig, hayaan siyang makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.” ’ ” |