1 Ngayon ay isinusulat ko ang patungkol sa mga bagay na inihain sa mga diyos-diyosan na alam natin na tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapayabang ngunit ang pag-ibig ay nagpapatatag.2 At kung ang sinuman ay nag-aakala na alam niya ang anumang bagay, wala pa siyang alam sa dapat niyang malaman.3 Ngunit kung ang sinuman ay umiibig sa Diyos, ang taong ito ay kilala ng Diyos.4 Kaya patungkol sa pagkaing inihain sa mga diyos-diyosan, alam natin na walang kabuluhan ang diyos-diyosan sa sanlibutan at wala nang ibang Diyos maliban sa isa.5 At kahit na marami yaong tinatawag na mga diyos, kahit sa langit o sa lupa (kung paanong maraming mga diyos at maraming mga panginoon),6 gayunpaman, para sa atin ay may isang Diyos, ang Ama na sa kaniya ay nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay para sa kaniya, at isang Panginoong Jesu-Cristo na sa pamamagitan niya ay nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay nabubuhay sa pamamagitan niya.7 Subalit ang kaalamang ito ay hindi nasa sa lahat. At ang ilan, dahil sa kanilang budhi patungkol sa mga diyos-diyosan, hanggang sa ngayon ay kumakain bilang hain sa diyos-diyosan.8 Ngunit hindi ang pagkain ang naglalapit sa atin sa Diyos, sapagkat hindi tayo nananagana kapag tayo ay kakain, ni nagkukulang kapag tayo ay hindi kumain.9 Ngunit mag-ingat kayo baka ang karapatang ito ay maging katitisuran sa mga mahihina,10 sapagkat kapag ikaw na may kaalaman ay makita ng sinuman, na nakikidulog sa hapag-kainan ng dambana ng mga diyos-diyosan, hindi nga ba ang mahina niyang budhi ay mapapalakas upang kumain ng mga bagay na hain sa mga diyos-diyosan?11 At dahil sa iyong kaalaman, hindi ba mapapahamak ang mahina mong kapatid kung kanino si Cristo ay namatay?12 Ngunit habang nagkakasala kayo ng ganito laban sa inyong mga kapatid at sinusugatan ninyo ang kanilang mahihinang budhi, kayo ay nagkakasala laban kay Cristo.13 Kaya kung ang pagkain ay makakapagpatisod sa aking kapatid, ako ay hinding-hindi na kakain ng laman kailanman upang hindi matisod ang aking kapatid.