Taivaallinen koti
| Secondary Keywords | john nasa langit pahayag pahimakas pangitain propesiya tahanan Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 11 Ang pahayag ni Jesu-Cristo, na ibinigay ng Diyos sa kaniya upang ipakita sa kaniyang mga alipin kung ano ang mga bagay na dapat mangyari sa lalong madaling panahon, ay ipinahiwatig niya sa pamamagitan ng pagsugo ng kaniyang anghel kay Juan na kaniyang alipin, 2 na siyang sumaksi sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesu-Cristo at sa anumang nakita niya. 3 Pinagpala siya na nagbabasa at sila na nakikinig sa mga salita ng pahayag at sila na tumutupad sa mga bagay na nakasulat dito sapagkat ang panahon ay malapit na. 4 Akong si Juan sa pitong iglesiya na nasa Asya: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa kaniya na siyang kasalukuyan at siyang nakaraan at siyang darating, at mula sa pitong Espiritu sa harapan ng kaniyang trono, 5 at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay mula sa mga patay at ang pinuno ng mga hari ng lupa. Sa kaniya na umibig sa atin at naghugas sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, 6 at gumawa sa atin na mga hari at mga saserdote sa kaniyang Diyos at Ama, sa kaniya nawa ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan pa man. Siya nawa. 7 Narito, siya ay dumarating kasama ng mga ulap at siya ay makikita ng bawat mata at niyaong mga tumusok sa kaniya, at ang lahat ng mga lipi sa daigdig ay tatangis dahil sa kaniya. Oo! Siya nawa. 8 Sinasabi ng Panginoon, “Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas, ang siyang kasalukuyan at siyang nakaraan at siyang parating, ang Makapangyarihan sa lahat.” 9 Ako si Juan, na inyo ring kapatid at kabahagi sa mga paghihirap at sa paghahari at sa pagtitiis ni Jesu-Cristo. Ako ay nasa pulo na tinatawag na Patmos dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoo ni Jesu-Cristo. 10 Ako ay nasa Espiritu sa Araw ng Panginoon at narinig ko sa aking likuran ang napakalakas na tinig na katulad sa tunog ng trumpeta, 11 na nagsasabi, “Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli,” at “Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakikita at ipadala sa pitong iglesiya na nasa Asya: sa Efeso, sa Esmirna, sa Pergamos, sa Tiyatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea.” 12 At ako ay lumingon upang kilalanin ang tinig na nagsalita sa akin. Sa aking paglingon ay nakita ko ang pitong gintong lalagyan ng ilawan, 13 at sa gitna ng pitong lalagyan ng ilawan ang katulad sa Anak ng Tao na nakasuot ng kasuotang abot sa paa at nakabigkis ng gintong pamigkis sa bandang mga dibdib. 14 Ang kaniyang ulo at ang kaniyang mga buhok ay katulad ng maputing balahibo ng tupa na kasimputi ng niyebe, at ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy. 15 Ang kaniyang mga paa ay katulad ng makinang na tanso na tulad ng sinilaban sa pugon, at ang kaniyang tinig ay katulad ng tunog ng maraming tubig. 16 Siya ay nagtataglay ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay at mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang matalas na tabak na may dalawang-talim at ang kaniyang mukha ay katulad ng araw na sumisikat ng matindi. 17 At nang siya ay nakita ko, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan na parang patay at ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay na sinasabi sa akin, “Huwag kang matakot. Ako ang una at ang huli. 18 Ako yaong nabubuhay at ako ay namatay, ngunit narito, ako ay nabubuhay magpakailan pa man. Siya nawa. Ako ang nagtataglay ng mga susi ng Hades at ng Kamatayan. 19 Isulat mo ang mga bagay na iyong nakita at ang mga bagay sa kasalukuyan at ang mga bagay na mangyayari pagkatapos nito. 20 Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay at ang pitong gintong lalagyan ng ilawan: ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesiya at ang pitong gintong lalagyan ng ilawan na iyong nakita ay ang pitong iglesiya.” Revelation 221 At ipinakita niya sa akin ang dalisay na ilog ng tubig ng buhay, na maningning katulad ng kristal, na lumalabas mula sa trono ng Diyos at ng Kordero. 2 Sa kalagitnaan ng lansangan ng lungsod at sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy ng buhay na nagbubunga ng labindalawang uri ng bunga at nagbibigay ng kaniyang bunga sa bawat buwan at ang mga dahon ng punongkahoy ay para sa kagalingan ng mga bansa. 3 At doon ay hindi na magkakaroon pa ng sumpa, at ang trono ng Diyos at ng Kordero ay nasa lungsod, at ang kaniyang mga alipin ay maglilingkod sa kaniya 4 at makikita nila ang kaniyang mukha, at ang kaniyang pangalan ay nasa kanilang mga noo. 5 At doon ay hindi na magkakaroon ng gabi at hindi na nila kinakailangan ng ilawan o ng liwanag ng araw sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagliliwanag sa kanila. At sila ay maghahari magpakailan pa man. 6 At sinabi ng anghel sa akin, “Ang mga salitang ito ay matapat at totoo.” At ang Panginoong Diyos ng mga banal na propeta ang nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari kaagad. 7 “Narito, ako ay darating kaagad. Pinagpala yaong tumutupad sa mga salita ng pahayag ng aklat na ito.” 8 At akong si Juan ang siyang nakakita at siyang nakarinig ng mga bagay na ito, at nang aking narinig at nakita, ako ay nagpatirapa upang sumamba sa harapan ng paanan ng anghel na siyang nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. 9 Ngunit sinabi niya sa akin, “Ingatan mo na huwag mong gawin ito sapagkat ako ay iyong kapwa alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta at niyaong mga tumutupad ng mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo.” 10 Sinabi rin niya sa akin, “Huwag mong selyuhan ang mga salita ng pahayag sa aklat na ito sapagkat ang panahon ay malapit na. 11 Siya na hindi matuwid ay hayaan pa siyang maging hindi matuwid at siya na marumi ay hayaan pa siyang maging marumi. Siya na matuwid ay hayaan pa siyang maging matuwid, at siya na banal ay hayaan pa siyang maging banal.” 12 “At narito, ako ay darating kaagad at ang aking gantimpala ay nasa akin upang ipagkaloob sa bawat tao ayon sa kaniyang gawa. 13 Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli.” 14 Pinagpala yaong mga tumutupad sa kaniyang mga utos dahil sila ay magkakaroon ng karapatan sa punongkahoy ng buhay at makakapasok sa mga tarangkahang patungo sa lungsod. 15 Ngunit sa labas ay ang mga aso at ang mga manggagaway at ang mga mapakiapid at ang mga mamamatay-tao at ang mga sumasamba sa mga diyos-diyosan at ang bawat isang nagkakagusto at gumagawa ng kasinungalingan. 16 “Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel sa mga iglesiya upang patotohanan sa inyo ang mga bagay na ito. Ako ang ugat at ang anak ni David, at ang maningning na tala sa umaga.” 17 At ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika!” At siya na nakarinig ay hayaang magsabi, “Halika!” At siya na nauuhaw ay hayaang lumapit at siya na nagnanais ay hayaang kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad. 18 Dahil ako ay nagpapatotoo sa bawat isa na nakikinig sa mga salita ng paghahayag ng aklat na ito: Kapag ang sinuman ay magdagdag patungkol sa mga bagay na ito, idadagdag ng Diyos sa kaniya ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito. 19 At kapag ang sinuman ay mag-alis mula sa mga salita ng aklat ng pahayag na ito, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi mula sa aklat ng buhay at mula sa banal na lungsod at mula sa mga nakasulat sa aklat na ito. 20 Siya na nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, “Oo, ako ay darating kaagad.” Siya nawa. Oo, Panginoong Jesus, dumating ka na. 21 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong lahat. Siya nawa! |