1 At nangyari, na sa ikalawang araw ng Sabat pagkaraan ng una, si Jesus ay dumaan sa triguhan, at ang kaniyang mga alagad ay pumigtal ng mga uhay at nililigis nila sa kanilang mga kamay at kinakain.2 Ngunit sinabi ng ilang Fariseo sa kanila, “Bakit ginagawa ninyo ang hindi ipinapahintulot na gawin sa mga araw ng Sabat?”3 At sumagot si Jesus na sinabi sa kanila, “Hindi ba ninyo ito nabasa na ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasama niya,4 kung paanong siya ay pumasok sa bahay ng Diyos at kinuha at kinain ang mga tinapay na handog, at ang kaniya ring mga kasama ay binigyan ng hindi ipinahihintulot kainin maliban lang sa mga saserdote?”5 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon din ng araw ng Sabat.”
Mark 2
23 One Sabbath he was going through the grainfields, and as they made their way, his disciples began to pluck heads of grain.24 And the Pharisees were saying to him, “Look, why are they doing what is not lawful on the Sabbath?”25 And he said to them, “Have you never read what David did, when he was in need and was hungry, he and those who were with him:26 how he entered the house of God, in the time of Abiathar the high priest, and ate the bread of the Presence, which it is not lawful for any but the priests to eat, and also gave it to those who were with him?”27 And he said to them, “The Sabbath was made for man, not man for the Sabbath.28 So the Son of Man is lord even of the Sabbath.”
Matthew 12
1 Sa panahong iyon, si Jesus ay naglakad sa triguhan sa mga araw ng Sabat. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at sila ay nagsimulang pumitas ng uhay ng trigo upang kainin.2 Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo ay kanilang sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, ang iyong mga alagad ay gumagawa niyaong hindi ipinapahintulot na gawin sa araw ng Sabat.”3 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya ay nagutom, at sila na mga kasama niya,4 kung paanong siya ay pumasok sa bahay ng Diyos at kumain ng mga tinapay na handog na para sa kaniya ay hindi ipinapahintulot kainin, ni sa kanila na kasama niya maliban na lamang sa mga saserdote?5 O hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan na sa mga araw ng Sabat ay nilalapastangan ng mga saserdote sa templo ang araw ng Sabat at hindi sila nagkasala?6 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang lalong dakila kaysa sa templo ay naririto.7 Ngunit kung alam ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ninanais ko at hindi hain,’ Ose 6:6 hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan8 sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon din ng araw ng Sabat.”