17 Ang sinumang mayroong kabuhayan sa sanlibutang ito at nakikita niya ang kaniyang kapatid na mayroong pangangailangan ngunit ipinagkait sa kaniya ang kalooban ng kahabagan, paanong nananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya?18 Munti kong mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita, ni ng dila lamang kundi sa pamamagitan ng gawa at sa katotohanan.