Kävely Jeesuksen kanssa
| Avainsanat | bagong lupa bahaghari Cristo hardin harry anderson Jesus langit mga bata naglalakad kasama ni jesus nasa langit new jerusalem paglalakad paraiso rhpas0113 |
|---|---|
| Secondary Keywords | damo lakad lawa lungsod lupa makalangit mamasyal mga puno Ruotsalainen sa Uusi uusi uusi |
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Peter 3:9 Daniel 12:1-3 Isaiah 65:17 Isaiah 65:18 Juan 14:2-3 Juan 3:16 Revelation 21:1 Revelation 21:1-27 Revelation 21:2 Revelation 21:21 Revelation 3:12 Daniel 121 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. 2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. 3 At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. Isaiah 6517 Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man. Isaiah 6518 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan. John 142 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko sana sa inyo. Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo. 3 Kapag ako ay makaparoon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroroon ay dumuon din kayo. John 316 sapagkat sa ganitong paraan ay inibig ng Diyos ang sangkatauhan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Revelation 211 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na at ang dagat ay wala na. Revelation 211 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na at ang dagat ay wala na. 2 At ako, si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababang nagmula sa Diyos mula sa langit na nakahanda katulad ng isang babaing ikakasal na ginayakan para sa kaniyang asawa. 3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit, na sinasabi, “Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao at siya ay mananahang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang bayan at siya mismo ang magiging Diyos na kasama nila at magiging kanilang Diyos. 4 At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata at mawawala na ang kamatayan, ang pagluluksa, ang pag-iyak at ang pagkahapis sapagkat ang naunang mga bagay ay lumipas na.” Isa 25:8 5 At siya na nakaupo sa trono ay nagsabi, “Narito, ginawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at matapat.” 6 At sinabi niya sa akin, “Ang lahat ay naganap na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Ako ang magbibigay ng tubig ng buhay na walang bayad mula sa bukal sa kaniya na nauuhaw. 7 Siya na mapagtagumpay ay magmamana ng lahat ng mga bagay, at ako ay magiging kaniyang Diyos at siya ay magiging aking anak. 8 Ngunit sa mga natatakot, sa mga hindi nananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga mapakiapid, sa mga manggagaway, sa mga sumasamba sa diyos-diyosan at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre. Ito ang ikalawang kamatayan.” 9 At ang isa sa pitong anghel na nagtataglay ng pitong mangkok na punung-puno ng pitong huling mga salot ay pumunta sa akin at siya ay nagsalita sa akin na sinasabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero.” 10 At ako ay dinala niya sa pamamagitan ng Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok, at ipinakita niya sa akin ang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem na bumababa mula sa langit, na nagmula sa Diyos, 11 na tinataglay ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang kaniyang liwanag ay katulad sa isang napakahalagang batong katulad ng isang kristal na batong haspe. 12 Ito ay mayroon ding malaki at mataas na pader na may labindalawang tarangkahan at sa mga tarangkahan ay may labindalawang mga anghel, at doon ay may nakaukit na mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak ni Israel. 13 Sa bahaging silangan ay tatlong tarangkahan, sa bahaging hilaga ay tatlong tarangkahan, sa bahaging timog ay tatlong tarangkahan at sa bahaging kanluran ay tatlong tarangkahan. 14 At ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligan at ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero ay nasa kanila. 15 At siya na nagsalita sa akin ay may isang gintong panukat upang kaniyang sukatin ang lungsod at ang mga tarangkahan nito at ang pader nito. 16 At ang lungsod ay nakalatag sa parisukat at kung gaano ang haba nito ay gayundin ang lawak nito. At sa pamamagitan ng panukat ay kaniyang sinukat ang lungsod: labindalawang libong estadya°. Ang haba, ang luwang at ang taas nito ay magkakasing-sukat. 17 At kaniyang sinukat ang pader nito: isandaan at apatnapu't apat na siko°, ayon sa sukat ng tao, na sukat din ng anghel. 18 At ang pader nito ay yari sa batong haspe at ang lungsod ay dalisay na ginto katulad ng malinaw na salamin. 19 At ang mga saligan ng pader ng lungsod ay nagayakan ng lahat ng uri ng mga mahalagang bato: ang una ay batong haspe, ang pangalawa ay batong sapiro, ang pangatlo ay batong kalsedoniya, ang pang-apat ay batong esmeralda, 20 ang panlima ay batong onise, ang pang-anim ay batong kornalina, ang pangpito ay batong krisolito, ang pangwalo ay batong berilo, ang pangsiyam ay batong topas, ang pangsampu ay batong krisopraso, ang panlabing-isa ay batong hasinto at ang panlabindalawa ay batong amatista. 21 At ang labindalawang tarangkahan ay labindalawang perlas: ang bawat isang tarangkahan ay yari sa perlas at ang lansangan ng lungsod ay dalisay na ginto katulad ng salaming nalalagos ng paningin. 22 At ako ay walang nakitang banal na dako sa lungsod sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ay ang banal na dako nito. 23 At ang lungsod ay hindi nangangailangan ng araw o ng buwan upang magliwanag doon sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag sa lungsod at ang Kordero ang ilawan nito. 24 At ang mga bansa niyaong mga iniligtas ay maglalakad sa liwanag nito at dinadala rito ng mga hari ng daigdig ang kanilang kaluwalhatian at karangalan. 25 At ang mga tarangkahan ng lungsod ay hinding-hindi maisasara sa araw sapagkat wala ng gabi roon. 26 At kanilang dadalhin ang kaluwalhatian at karangalan ng mga bansa sa lungsod. 27 At kailanman ay hindi makakapasok doon ang anumang marumi at ang sinumang gumagawa ng kasuklam-suklam at ng kasinungalingan kundi yaong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Revelation 212 At ako, si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababang nagmula sa Diyos mula sa langit na nakahanda katulad ng isang babaing ikakasal na ginayakan para sa kaniyang asawa. Revelation 2121 At ang labindalawang tarangkahan ay labindalawang perlas: ang bawat isang tarangkahan ay yari sa perlas at ang lansangan ng lungsod ay dalisay na ginto katulad ng salaming nalalagos ng paningin. Revelation 312 Siya na nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa banal na dako ng templo ng aking Diyos at siya ay hinding-hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa galing sa langit mula sa aking Diyos, gayundin ang aking bagong pangalan. |