6 At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa kalagitnaan ng langit na nagtataglay ng walang hanggang ebanghelyo upang ipahayag sa kanila na mga naninirahan sa daigdig at sa bawat bansa at lipi at wika at bayan,7 na sinasabi sa pamamagitan ng malakas na tinig, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya sapagkat dumating na ang oras ng kaniyang paghuhukom at sambahin ninyo siya, na siyang gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng mga tubig.”