1 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit, isang babaing nadaramtan ng araw at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa at sa kaniyang ulo ay may isang putong na may labindalawang bituin.2 At sa kaniyang pagdadalantao, siya ay sumisigaw sa hirap ng panganganak at dahil siya ay nahihirapan sa panganganak.3 At ang isa pang tanda ay nakita sa langit, at narito, isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay at sa kaniyang mga ulo ay may pitong putong.4 At hinihila ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin ng langit at inihagis ang mga ito sa lupa. At ang dragon ay tumayo sa harapan ng babae na malapit nang manganak upang lamunin nito ang bata kapag siya ay makapanganak.