10 Ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, ito ay ipaglingkod ninyo sa inyong kapwa bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang biyaya ng Diyos.
1 Peter 5
5 Gayundin kayong mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. Oo, ang lahat sa inyo ay magpasakop sa isa't isa. Isuot ninyo ang kapakumbabaan sapagkat “sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas, ngunit siya ay nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.” Kaw 3:346 Kaya magpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos upang kayo ay kaniyang itaas sa takdang panahon.7 Ilagak ninyo sa kaniya ang lahat ninyong kabalisahan sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.8 Mag-isip kayo ng maayos at magbantay kayo sapagkat ang diyablo na inyong kaaway ay katulad ng leon na umaatungal at umaali-aligid na naghahanap kung sino ang kaniyang malalamon.9 Makipaglaban kayo sa kaniya na may katatatagan ng pananampalataya dahil alam na ninyo na ang gayon ding pagdanas ng mga paghihirap ay nangyayari sa inyong mga kapatid na nasa sanlibutan.
1 Timothy 4
12 Huwag hayaang hamakin ng sinuman ang iyong kabataan, ngunit maging huwaran ka ng mga sumampalataya: sa salita, sa pag-uugali, sa pag-ibig, sa espiritu, sa pananampalataya at sa kadalisayan.
Ephesians 6
1 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon dahil ito ay matuwid.2 “Igalang ninyo ang inyong ama at ina,” Exo 20:12; Deu 5:16 (ito ang unang utos na may pangako)
Jeremiah 29
11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.13 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.14 At ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.
Proverbs 22
6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.