Pedro sulat sulat
| Avainsanat | pagsulat Paul Peter sulat |
|---|---|
| Secondary Keywords | bahay diyos gabi koleksyon magsulat mensahe pagbati sa loob sulatan tahanan |
| Mga Banal na Kasulatan | Colossians 41 Mga panginoon, ibigay ninyo sa inyong mga alipin kung ano ang makatarungan at kung ano ang nararapat, yamang nalalaman ninyo na kayo ay mayroon ding Panginoon sa langit. 2 Maging masigasig kayo sa pananalangin na binabantayan ito na may pagpapasalamat. 3 Sa ganitong pagkakataon ay ipanalangin din ninyo kami na magbukas ang Diyos ng pinto sa amin para sa salita upang ipahayag ang hiwaga ni Cristo, ito rin ang dahilan na ako ay ibinilanggo 4 upang maipahayag ko ito kagaya ng nararapat kong sabihin. 5 Lumakad kayong may karunungan sa kanila na mga nasa labas at samantalahin ninyo ang panahon. 6 Ang inyong pananalita ay dapat palaging may biyaya, may lasang asin upang malaman ninyo kung paano kayo nararapat sumagot sa bawat isa. 7 Si Tiquico, ang minamahal na kapatid at ang tapat na tagapaglingkod at kapwa alipin sa Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng patungkol sa akin. 8 Siya ang aking isinugo sa inyo para sa gayunding layunin upang malaman niya ang patungkol sa inyo at pasiglahin niya ang inyong mga puso. 9 Kasama niya si Onesimo, ang tapat at minamahal na kapatid na nanggaling sa inyo. Ibabalita nila sa inyo ang lahat ng mga nangyayari rito. 10 Binabati kayo ni Aristarco na kapwa ko bilanggo, at ng pinsan ni Bernabe na si Marcos (patungkol sa kaniya ay tumanggap kayo ng mga tagubilin, kung siya ay darating, tanggapin ninyo siya), 11 at ni Jesus na tinatawag na Justo, na nasa mga pagtutuli. Sila lamang ang mga kamanggagawa ko sa paghahari ng Diyos, na naging kaaliwan sa akin. 12 Binabati kayo ni Epafras na galing sa inyo. Siya ay alipin ni Cristo na palaging nagsisikap sa panalangin alang-alang sa inyo upang kayo ay makapanindigang ganap at maging puspos sa lahat ng kalooban ng Diyos. 13 Sapagkat ako ay nagpapatotoo para sa kaniya na siya ay may kasigasigan para sa inyo at sa kanila na mga taga-Laodicea at sa kanila na mga taga-Hierapolis. 14 Binabati kayo ni Lucas na minamahal na manggagamot, at ni Demas. 15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, gayundin si Nimfa at ang iglesiya na nagtitipon sa kaniyang bahay. 16 At kapag ang sulat na ito ay mabasa sa inyo, ipabasa rin ninyo ito sa iglesiya sa Laodicea, upang mabasa rin ninyo ang sulat na galing sa Laodicea. 17 Sabihin ninyo kay Arquipo, “Pag-ingatan mo ang paglilingkod na tinanggap mo sa Panginoon upang ito ay iyong magampanan.” 18 Si Pablo, sulat-kamay ko ang pagbating ito. Alalahanin ninyo ang aking mga pagkatanikala. Ang biyaya ay sumainyo. Siya nawa. Romans 1621 Si Timoteo na aking kamanggagawa at ang aking mga kamag-anak na sina Lucio, Jason at Sosipatro ay bumabati sa inyo. 22 Akong si Tercio na sumulat ng sulat na ito ay bumabati sa inyo sa Panginoon. 23 Binabati kayo ni Gayo na aking tinutuluyan, at ng buong iglesiya. Binabati kayo ni Erasto na tagapamahala ng lungsod, at ni Quarto na isang kapatid. |