20 Ngunit habang kaniyang pinag-iisipan ang mga ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip na sinasabi, “Jose na anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa sapagkat ang kaniyang pinagdadalang-tao ay mula sa Banal na Espiritu.21 At siya ay manganganak ng isang lalaki at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”22 At ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na sinasabi,23 “Narito, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki at tatawagin nila ang kaniyang pangalan na Emmanuel,” Isa 7:14 na ang kahulugan ay, “Kasama natin ang Diyos.” Isa 8:8, 1024 Pagkagising ni Jose mula sa pagkatulog, ginawa niya ang ayon sa iniutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kaniyang asawa.25 Ngunit hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki. At tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jesus.